Ano po ba namang klaseng patakaran
Mayrun itong Philhealth sa pagproseso riyan
Nitong kung tawagin natin ay pag-‘refund’
Ng ibang bayarin kapag naospital?
Na inaabot ng apat na buwan halos
O higit pa bago tuluyang ma-aprub
At makuha ang habol na kakarampot
Bilang ‘balik-bayad’ sa ating nagastos
Sa pagka-‘confine’ ng ating nagkasakit
Na kapamilya at/o ‘beneficiaries’
Nitong miyembro na naghuhulog sa Philhealth
Ng kontribusyon n’yan ‘as dues for membership’
Kung saan bagama’t ang ‘bill’ halimbawa
Ay singkwenta mil o sampung libo kaya,
Di sagot ng Philhealth ang lahat, ika nga
Ya’y malaking tulong din sa maralita.
Ang problema nga lang ay ang usad pagong
Na prosesong halos kalahating taon
Bago ma-‘refund’ ang kung ilang porsyentong
Benefisyo sa‘ting naging kontribusyon.
Pagkat kagaya ng naging obserbasyon
Ni ‘yours truly’ – ang dami ng negatibong
Mga bagay-bagay na dapat i-’reform’
Upang serbisyo nito’y mapasulong.
Una, bakit nila lubhang pinahirap
Ang simpleng bagay na madali lang dapat
Sa animo’y wala sa tamang ‘standard’
Ang panuntunan na ipinatutupad?
Kung saan imbes di magpabalik-balik
Ang ‘claimant’ sa Philhealth ng kung ilang ulit
Para ikumpleto ang dapat i-‘submit’
Na dokumento o anumang papeles
Ay di agad naisusumita sa Philhealth
Bunsod na rin nitong ang nasabing opis
Ang may kakulangan sa puntong nabanggit,
At di pagbibigay n’yan ng ‘advance notice’
Kung anu-ano ang isumite dapat
Bago iproseso n’yan ang lahat-lahat;
Kasi nga kung kailan ka nagpa-‘follow-up’
Saka ka hihingan ng ‘marriage contract’
Sulat o kaya ‘authorization letter’
Mula sa asawa kung ito ang ‘member’
At kung saan tiyak pangalan ng mister
Ang ilalagay sa tseke ng ‘issuer’
Na di maipapalit dito ng asawa
Kung OFW si sir o ang isa;
(Sakali’t alin man dito sa dalawa
Ang nasa ‘abroad’ at kailangang pumirma.
Sa puntong yan bakit kinakailangan pang
Kay mister – na nasa ‘abroad,’ ipangalan
Ang ‘refund check’ – at di sa kanyang asawang
Narito upang ang proseso’y gumaang?
At ora mismo ay maipagpapalit
Sa bangko ng kapamilya ng maysakit;
At di itong kailangan pang ipapalit
Ang nakapangalan sa tsekeng ni-‘released’
Ng Philhealth, upang sa gayo’y mapabilis
Ang pag-‘refund’ at di na pabalik-balik
Ang sinuman kina mister o si misis
Upang ang tseke ay kanyang maipalit.
Pero ang higit na pinaka-magaang
Ay sa ‘accredited’ ng mga ospital
Ng Philhealth ipasa ang lahat ng ‘refund’
Pagkat ito ang siyang talagang kailangan!