SUBIC BAY FREEPORT- Pormal ng inilunsad ng Phlippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang panimula ng 2nd nationwide simultaneous run na gaganapin sa February 15, 2015 sa may 13 regions sa buong bansa kasabay ng pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo nito.
Ito ay may temang “PhilHealth: Ready, TseKap, Go.” Bahagi ng programa sa dumaraming PhilHealth members na malaman ang kanilang health care benefits at services na ipinagkakaloob sa bawat miyembro. Sinimulan ang paglulunsad sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno. Nauna nang isinagawa ang PhilHealth run noong February 2013 kung saan may 90,000 professionals at amateur runners nationwide ang nakiisa.
Sa pagtaya ng PhilHealth, aabot sa 60,000 runners nationwide ang lalahok sa PhilHealth Run 2015. Nagsimula ang registration ng PhilHealth Run 2015 Run for a Cause noong November 7 at tatagal ito hanggang February 7, 2015. Ito ay gaganapin sa Remy Field sa Subic Bay Freeport.
Ang malilikom na pondo ay ido-donate sa AMOR Village, Tarlac; Home for Girls, Tarlac; Barangay Health Station, Cozo, Casiguran, Aurora; GODAP, Tarlac at Munting Tahanan ng Nazareth Inc., Mabalacat, Pampanga.