Home Headlines PhilHealth Region III Konsulta Registration: “IPs na Kapatid mula sa Botolan, Zambales,...

PhilHealth Region III Konsulta Registration: “IPs na Kapatid mula sa Botolan, Zambales, Kalusugan ang Hatid”

286
0
SHARE

Botolan-Zambales – 160 na kapatid na IPs (Indigenous Peoples) mula sa malayong lugar ng Botolan, Zambales ang narehisro bilang PhilHealth members noong ika-19 ng Marso, 2024. Katuwang sa pagbibigay ng serbisyong PhilHealth sina Acting Vice President Henry V. Almanon ng Region III, Chona A. Visca, Head ng PhilHealth Iba, Dexter S. Maglalang, Head ng Membership Section A, buong PhilHealth Team, at mga Barangay Health Workers (BHWs). Nagbigay naman ng serbisyong pangkalusugan tulad ng libreng konsultasyon at mga gamot ang Rural Health Unit (RHU) ng Barangay Villar sa pangunguna ni Dr. Luvince Cecile D. Ladines. Samantala, nagbigay naman ng libreng konsultyasyon sa family planning at bakuna sa mga sanggol na IPs ang midwife na si Gng. Genoveva P. Exala.

Mataimtin na panalangin ang pinangunahan ni Pastora Amparo Gomez na bahagi ng simpleng programa. Sinundan ito ng pagpapakilala ng bawat isa mula sa PhilHealth at RHU Barangay Villar upang lalong mas makilala ang grupo na aagapay sa kanila sa mga serbisyong pangkalusugan. Nagbigay ng mensahe at paalala ukol sa programang PhilHealth Konsulta (Konsultasyon Sulit at Tama) ang Acting Vice President Almanon na sinundan ng maiksing mensahe mula kay Dr. Ladines ng RHU Barangay Villar.

Ang Barangay Villar Botolan, Zambales ay isa sa mga lugar na kinilala na isang Geographically Isolated and Disadvantaged Area (GIDA) na kung saan mahina ang koneksyon ng internet at walang sapat na kuryente ang buong barangay. Ang nasabing lugar ay malayo sa mga establisyemento, ospital at mga ahensya ng gobyerno. Upang lalong ipalapit ang mga serbisyong pangkalusugan sa mga kapatid na IPs, ang mga empleyado ng PhilHealth Iba, kaagapay ang Membership Section-A at Public Affairs Unit ay naglakbay ng halos dalawang oras sakay ng isang 4×4 na sasakyan at hindi inalanta ang init, alikabok at mga pagsubok na hinarap habang tinatahak ang daan papunta sa kanilang lugar.

Upang lalong maging masaya ang munting pagtitipon, nagkaroon ng pamimigay ng mga kendi at laruan para sa mga batang IPs. Isang simpleng salu-salo naman ang pinagsamahan ng mga empleyado ng PhilHealth at mga kapatid na IPs nakadagdag ng saya sa lahat. Lubos ang pasasalamat at galak ang naramdaman ng mga kapatid na IPs dahil kahit malayo ang kanilang lugar ay pinuntahan sila at binigyan ng mga serbisyong pangkalusugan mulas sa PhilHealth, RHU Barangay Villar, duktor, at midwife. Namahagi din ng mga PhilHealth ID at Member Data record (MDR) sa lahat ng mga IPs na narehistro sa programa.

Bilang pasasalamat si Kapitan Ernie B. Juliano ay namahagi ng mga prutas tulad ng saging, kamote at luya mula sa kanilang ani sa kanilang lugar. Hindi matatapatan ang kaligayahan sa pagbibigay ng serbisyo sa mga kapatid natin na mas nangangailangan ng tulong at pag mamahal. Sa mga susunod pang mga araw, ang PhilHealth ay patuloy na magbibigay ng “Pinalawak at mga Bagong Benepisyo para sa Mamayang Filipino.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here