LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang turn-over ng mga medical equipment na nagkakahalaga ng P22 milyon sa Bulacan Medical Center (BMC) at iba pang ospital sa lalawigan.
“Ang mga kagamitang ipinagkaloob ng Pangulo sa Bulacan ay inaasahang higit na magpapataas ng antas ng serbisyo ng mga pampublikong ospital sa Bulacan,” ani Gob. Joselito Mendoza.
Aniya, ang pangangalaga sa kalusugan ng mga Bulakenyo ang pangunahing prayoridad ng kanyang administrasyon bilang tugon sa layunin ng Pangulo na mapaunlad ang lipunan.
Sinabi niya na isa ito sa dahilan kung bakit sinikap nila na maipatayo at masimulan ang operasyon ng Bulacan Medical Center na isang tertiary hospital na may 300-bed capacity.
Ang pasilidad ng BMC ay nilibot ng Pangulo sa paggabay ni Mendoza kasama ang mga opisyal ng Bulacan tulad ni Vice Gov. Willy Alvarado.
Kabilang sa mga medical equipment na ipinagkaloob ng Pangulo sa BMC ay 1 cautery machine, 1 OR light G. series, 3 infant ventilator, 4 pulse oximeter, 2 ECG machine at 2 laryngoscope na nagkakahalaga ng P8 milyon.
Ang nasabing halaga ay bahagi ng P22 milyon pondong inilaan ng Department of Health at ni Pangulong Arroyo para sa programang pangkalusugan ng lalawigan.
Ang matitirang P14 milyon ay hahatiin sa anim na district hospitals sa Bulacan na binubuo ng Baliwag District Hospital, Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital, Bulacan Maternity and Children’s Hospital, Emilio G. Perez Memorial District Hospital, San Miguel District Hospital, Gregorio Del Pilar District Hospital at Baliwag District Hospital.