PGMA matutulad sa administrasyong Bush kung di-kikilos

    381
    0
    SHARE
    HAGONOY, Bulacan – Malaki umano ang posibilidad na matulad sa Bush administration ang administrasyong ni Gloria Macapagal-Arroyo kung hindi kikilos agad upang tugunan ng epekto ng pandaigdigang krisis sa ekonomiya sa bansa.

    Ito ang babala ni Susan Ople, ang dating labor undersecretary na nagsabi rin na magkakaroon lamang ng social upheaval sa bansa kung makikialam ang military.

    “Magkakaroon lang ng social upheaval kapag nakialam ang military dahil sa hindi pagkilos ang gobyerno,” ani Ople, ang pinakabatang anak ni dating Senador na si Blas F. Ople ng bayang ito.

    Aniya, dapat kumilos agad ang gobyerno upang mapigilan ang tanggalan sa trabaho ng ibat-ibang kumpanya na nagsimula pa noong huling bahagi ng 2008.

    “Kung yung tanggalan sa trabaho ang pagbabatayan, maaring hindi pa magkagulo, pero tiyak ang backlash niyan ay sa 2010 elections,” ani ng batang Ople na nagbitiw bilang labor undersecretary noong 2005.

    Binatikos din niya ang mga tagapayo ni Pangulong Arroyo hinggil sa ekonomiya ng sabihin niya na “parang nasa alapaap” ang mga ito.

    “Dapat nilang ipaliwanag ang stimulus package, hanggang ngayon, walang nakakaalam ng detalye noon,”  aniya.

    Iginiit pa ng batang Ople na, “hindi pa rin malinaw kung mayroon na silang manpower pool na gagawa noong mga sinasabi nilang infrastructure projects.”

    Patungkol sa posibilidad ng pagbangon ng ekomiya ng bansa, sinabi niya na magkakahiwalay pa ang pananaw ng mga ekonomista dahil may mga nagsasabing makakabangon ang bansa sa 2010 at may nagsasabing matatagalan pa.

    “Our economy is dependent from the United States’, and they said nagdedeteriorate pa ang sitwasyon sa US, ibig sabihin nag-uumpisa pa lang at matatagalan pa ang recovery,” ani Ople na kasalukuyang pangulo ng Blas Ople Policy Center.

    Pinayuhan naman niya ang mga Pilipino na maging kalmado, magtulungan at huwag masyadong umasa sa mga interbensyon ng gobyerno.

    Pinalalahahan din niya ang mga manggagawa na mamuhunan sa mga bagong kakayahan sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga kursong tulad ng plumbing, electronics and electrical repair, website development at iba pa.

    Hinggil naman sa nagnanais magtrabaho sa Iraq, sinabi niya na “hindi pa natin alam kung ano ang epekto ng possible US withdrawal sa Iraq at sa magiging sitwasyon sa security ng mga manggagawa doon, huwag muna tayong mag-apply sa Iraq.”


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here