Home Headlines Pet registration, vaccination ginanap 

Pet registration, vaccination ginanap 

624
0
SHARE

Sta. Lucia punong barangay Hector Forbes. Kuha ni Ernie Esconde


SAMAL, Bataan — Sinimulan ngayong Martes ang pagbabakuna at pagrerehistro ng mga alagang aso at pusa sa Barangay Sta. Lucia sa bayang ito sa layuning maiwasan ang nakamamatay na rabies na mula sa mga hayop na ito.

Sinabi ni Sta. Lucia punong barangay Hector Forbes na ginagawa ang registration kasabay ng pagbabakuna ng mga aso at pusa upang maging ligtas ang kanilang barangay sa panganib na maaaring idulot ng mga ito.

“Ang iba pang layunin ng aming  ginagawa ay para malaman kung gaano karami ang aso at pusa sa aming  barangay at para masustinahan ang mga ito sa mga gamot na kailangan lalo na kapag dumating ang buwan ng pagbabakuna ng anti-rabies,” sabi ng barangay chairman. 

Libre, ani Forbes, ang pagbabakuna, konsultasyon sa veterinarian at registration. Magkakaroon, aniya, ng kanya-kanyang record ang mga alagang hayop  na ang bawat pagbabakuna ay nakatala. 

“Sa lahat ng mga pet owner, kung maaari ay sikapin nating maiparehistro ang inyong mga alagang aso at  pusa. Ito ang panawagan ng inyong lingkod upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat mamamayan sa ating lugar,” panawagan ni Forbes. 

Ang registration ng mga aso at pusa sa Samal ay batay sa isinusulong na responsible pet ownership ni Mayor Aida Macalinao at ng sangguniang bayan sa pangunguna ni Vice-Mayor Jun Espino.

Kailangang maiparehistro ang mga aso at pusa na may gulang na tatlong buwan pataas.

Ilan sa mga detalyeng hinihingi sa pagrerehistro ay ang pangalan ng aso at may-ari, kaarawan ng aso/pusa, kulay at breed, kasarian at vaccine history. Bago marehistro, kailangang dumaan muna sa veterinarian para sa libreng bakuna at konsultasyon.

Gagawin ang registration by schedule sa 14 na barangay ng Samal. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here