Peryahan sinalakay ng CIDG sa Zambales

    704
    0
    SHARE

    CABANGAN, Zambales —Anim katao ang dinakip ng pinagsabib na puwersa ng Zambales Criminal Investigation and Detection Team (ZCIDT) at Regional Special Operation Group Region 3 nang kanilang salakayin ang illegal na pasugalan sa peryahan sa Barangay Lomboy sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

    Kinilala ni ZCIDT provincial officer Chief Inspector Ferdinand Aguilar ang mga suspek na sina Rolly Amog, 49, at Jovie Amog, 24, mga maintainer/operator at residente  ng Barangay Lionzon, Palauig, Zambales; at mga tauhan na sina Jemmuel Marzal, Jeffrey Fueniestas, Wilmar dela Pena, at Darwin Datuin, pawang mga residente ng Barangay Lomboy.

    Ang mga suspek ay huli ng pulisya sa aktong nagpapalaro ng bola-bola sa mga mananaya batay sa isinagawang “Oplan Bolilyo”  kampanya laban sa mga illegal na pasugalan ng ZCIDT.

    Kinumpiska ng pulisya ang apat na panel board, ping pong ball at bet money na may kabuuang P864 sa ibat-ibang denominasyon.

    Ang mga suspek ay nasa custody ng ZCIDT Olongapo City at sasampahan ng kasong paglabag sa PD 1602 (illegal gambling) as amended by RA 8297.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here