Home Headlines Peryahan sa memorial park sa Balanga City

Peryahan sa memorial park sa Balanga City

113
0
SHARE

LUNGSOD ng Balanga: Patuloy ang pag-aayos ng mga nitso at musoleo sa malaking Eternal Shrine Memorial Park sa lungsod na ito sa Bataan bilang paghahanda sa darating na Undas sa Nobyembre 1.

Sa isang bahagi naman, sa loob ng sementeryo na madadaanan ang mga libingan, nagbukas na ang karnabal at peryahan simula Biyernes ng gabi.

Karamihan sa mga bisita ay mga taong may kaanak na nakalibing sa nasabing memorial park na matapos mag-ayos at bumisita sa puntod ng kanilang mahal sa buhay ay naglilibang sa peryahan.

Maririnig ang sigaw lalo na ng mga bata habang sakay sa iba-ibang mga rides tulad ng Viking, Zoom Bee, FrisBee, carousel, Wacky Worm Party, Kalesa, Octofish, Ness Coaster, ferris wheel at iba pa.

Napapatili rin ang m ga pumapasok sa haunted house na Lumang Bahay.

Unti-unti nang dumarami ang mga tao sa peryahan kung saan may mga papremyo sa mga palaro na karaniwan sa mga pistahan.

Sa harap ng Halloween Carnival ay nagtatayo na ng mga stalls para sa street food at mga pampalamig (30)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here