Perang galing kay Ylmaz, nilulustay daw ni Ruffa Gutierrez?

    603
    0
    SHARE

    Hindi na mapigilan ni Ruffa Gutierrez namaiyak pag ang topic ay ang tungkol sa kagustuhan ni Ylmas Bektaz na makuha’t dalhin sa Turkey ang dalawa niyang anak.

    Gusto kasi ni Yilmaz na dalhin o papuntahin ang kanilang mga anak sa Turkey para makasama ang mga ito for two weeks.

    Pero natatakot si Ruffa dahil baka hindi na pabalikin sa Pilipinas ang mga anak. Puwede naman daw dalawin na lang ni Ylmaz  ang  mga bata dito sa ‘Pinas.

    Inamin din ni Ruffa na bibigyan daw siya ng $4 million ni Ylmaz basta papuntahin lang ang kanilang mga anak sa Turkey.

    Tumanggi si Ruffa dahil parang gusto raw palabasin ni Yilmaz na puwedeng tumbasan ng pera ang pagmamahal niya sa kanilang mga anak.

    “Last year pa nagpasya ang korte na sa akin ang custody sa mga bata. Puwede naman niyang bisitahin sa Pilipinas ang mga bata kahit anim na buwan pa, okey lang. Pero ang dalhin o papuntahin ang mga anak ko sa kanilang bansa, hindi ako comfortable,” say ni Ruffa.

    Sa isyung nilulustay daw niya ang pera ng kanilang mga anak, sagot ni Ruffa, wala raw siyang tinatanggap na sustento mula kay Yilmaz.

    “Baka akala ni Yilmaz  ay malaki ang ibinayad sa   aming mag-iina nang mag-pose kami sa isang magazine.

    Eh, wala namang bayad ‘yun. Tinanggihan ko ‘yung $1 million na ibinibigay niya dahil ‘di naman  ako mukhang pera,” kuwento pa ni Ruffa.

    Ask namin kung kukuha ba siya ng bodyguards para sa proteksyon nilang mag-iina, mabilis na sagot ni Ruffa:

    “Naku! Sa akin na lang ‘yan. Sa nangyayari ngayon,  mahirap nang magsalita.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here