Home Headlines ‘Pepito’ nagdagdag ng 1 metro taas ng tubig sa Pantabangan Dam

‘Pepito’ nagdagdag ng 1 metro taas ng tubig sa Pantabangan Dam

1610
0
SHARE

PANTABANGAN, Nueva Ecija – Bahagyang tumaas ang imbak na tubig sa Pantabangan Dam matapos ang halos maghapon at magdamag na pag-ulan na dulot ng bagyong Pepito.

Batay sa datos ng National Irrigation Administration-Upper Pampanga River Integrated Irrigation System (NIA-UPRIIS), naitala ang water level ng Pantabangan Dam sa 190.16 meters bandang alas-6 ng umaga nitong Miyerkules.

Mangangahulugan ito ng may isang metrong pag-angat ng elevation mula sa 189.28 meters na naitala pasado alas-7 ng umaga nitong Martes, ayon kay NIA-UPRIIS department manager Engr. Rosalinda Bote.

Malayo pa rin ito sa spilling level ng Pantabangan Dam na 221 meters, sa diperensyang 30.84 meters.

Ayon kay Bote, naitala rin sa Pantabangan Dam hydrological data na umaabot sa 475 centimeters per second ang dating o inflow ng tubig sa reservoir kanina.

Hindi naman ito nagre-release ng tubig sa ngayon.

Samantala, naitala sa 127.37 meters ang water elevation sa Masiway Dam sa nabanggit ding oras.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here