Home Headlines Pensyonado dismayado sa bangko

Pensyonado dismayado sa bangko

1082
0
SHARE

Retired police Capt. Fidel Dela Cruz. Kuha ni Armand Galang


 

LUNGSOD NG CABANATUAN — Taglay ang ag-asa na mabibili niya ang kinakailang maintenance medicine at pangunahing pangangailangan, nagtungo sa isang ATM terminal ng Land Bank of the Philippines sa lungsod na ito ang retiradong police captain na ai Fidel Dela Cruz nitong Huwebes.

Ngunit katulad ng iba pang pensyonado na luminya s ATM terminal ng LBP, dismayado si Dela Cruz nang pawang “under maintenance” ang isinasaad ng ATM machines.

“Pag lumipat ka ng ATM ng ibng bangko kahit magbayad ka na lang sana ng transaction fee ay sasabihin naman na transact with your own branch,” ani Dela Cruz.

Si Dela Cruz, residente ng Barangay Macatbong dito, na dating miyembro ng Philippine National Police ay nagretiro noong Enero 2020. Mula raw noon ay pensyon na bunga ng may 30 taon niyang pagsi-serbisyo ang pangunahin niyang inaasahan.

Kaya katulad ng aniya’y libu-libong pensioner, ay umaapela siya ng konsideraayon sa LBP at iba pang ahensiya ng gobyerno na bigyang-pansin ang kanilang kapakanan.

“Sana ay maawa naman kayo sa kalagayan naming mga pensiyonado. Matagal na po kaming nagtitiis,” ani Dela Cruz, sa pagsasabi na hindi ito ang unang pagkakataon na offline o under maintenance ang LBP ATM sa oras na kukuha sila ng pensyon.

Pinansin niya na ang pensyon ay taunang budget ng gobyerno samantalang buwanan namang kinukuha ng mga pensyonado. “Sa buong isang taon, yan ay may budget. Bakit hanggang ngayon ay wala?” tanong niya sa panayam ng Punto nitong Biyernes.

Paliwanag ni Dela Cruz, marami na sa kanila ang maysakit.

“Marami nang halos ay hindi nakakabangon,” dagdag niya. Ilan raw sa kanyang mga nakasabay na magwi-withraw sana ay nakasaklay na lang, mayroong hindi na makababa ng tricycle, at may kumikinig na ang katawan.

“Bakit po sa dinami-dami ng araw n puwede silang ma-maintenance ng kanilang sistema ay bakit lagi pong nakataon sa panahon nung paglalabas at pagbibigay sa amin ng ming pensyon?” tanong pa niya.

Hindi rin daw sila pinayagang mag over- the- counter transaction.

Sinikap ng Punto na makuha ang panig ng LBP ngunit wala pa itong tugon.

Sa isang social media client advisory nitong hapon ng Biyernes ay ipinahayag ng bangko na nagbalik na sa normal ang operasyon nito ngayong Sept. 17.

“LANDBANK ATMs, CDMs, e-banking channels, and Over-The-Counter transactions are now available and stable,” anang pahayag.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here