Pelikulang halos porno na ang dating

    897
    0
    SHARE

    “LALAMUNAN” ang bagong dagdag ng Leo Films sa kanilang koleksyon ng sexy movies mula pa nung ‘80s. Magkakaroon ito ng premiere sa Nobyembre 13 sa UP Film Institute.

    Sinulat at dinirehe ni Jigz F. Recto, ang “Lalamunan” ay pinagbibidahan ni Jordan Herrera sa pinakamapangahas niyang papel.  Ani Jordan.

    “Tinanggap ko ang role bilang isang hamon sa aking acting ability at maturity bilang aktor.
    Kasama rin sa cast si Rico Barrera (ng “Pinoy Big Brother,” first edition). Sa “Lalamunan,” makakasama niya sa maiinit na love scenes ang Viva Hot Babes na sina Maricar dela Fuente ( “Room 213”) at  Hazel Cabrera na inilulunsad dito bilang isang songbird at battered wife ng isang may-toyong asawa. Si Ran Domingo (ang hubaderong lead actor ng “Binyag ) ang misteryosong driver-lover.

    Ayon sa mga pinalad makapanood ng advance screening ng “Lalamunan,” isa na ito sa pinaka-bold na pelikulang Pinoy sa kasaysayan ng Philippine Cinema. May nagsasabi ring “soft-porn” na ito.

    Pero itinatanggi ni Direk Jigz na porno ang kanyang “Lalamunan.” Isang aktor sa teatro at premyadong scriptwriter, madamdaming sinabi ni Direk Jigz: “Makabuluhan ang aking pelikula sa kasalukuyan. Bagama’t pinakete bilang sex film, tinatalakay nito ang mga isyu ng marital rape, domestic violence at repression. Lahat ng sex scenes dito ay integral sa istorya at sinyut nang ayon sa good taste.”

    Dalawang tauhan dito ay may eksenang sodomy bilang secret lovers. May sexy shower scene dito si Jordan , habang si Ran ay nagbuyangyang ng kaseksihan sa harap ng salamin.
    Ipinakita ni Maricar ang mayamang dibdib at buong yabang na idinispley ni Rico ang magandang katawan sa skimpy briefs sa marami niyang eksena. Wala nang itinago si Hazel dahil “Launching film ko ito kaya bakit pa ako magpapakiyeme?”

    Ang “Lalamunan” ay prinodyus ni Cesar Aquino. Executive Producer si Shaleena C. Dy.  Simula ng palabas nito sa Nobyembre 19 sa mga piling sinehan sa buong Pilipinas.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here