Pekeng pulis tiklo sa Zambales

    338
    0
    SHARE

    SUBIC, Zambales – Arestado ang isang pekeng pulis makaraan itong ireklamo sa Subic PNP ng kanyang mga nakotongan na motorista sa kahabaan ng National Highway sa Barangay Calapandayan sa bayang ito.

    Kinilala ni Chief Inspector Oriano Mina, hepe ng Subic PNP, ang suspek na si Reynaldo Sarmiento, 37, residente ng Barangay Barretto, Olongapo City. Batay sa reklamo ng mga biktimang sina Raymart Mapalad, 23, ng Barangay Ilwas at Lester Llenards ng Barangay Baraca pawang sa bayan ng Subic, hinarang sila ng suspek dahil sa hindi pagsusuot ng helmet at nagpakilala itong pulis.

    Dugtong pa ng mga biktima hiningan sila ng tig-P300 kapalit ng hindi pagdala sa kanila sa tanggapan ng pulisya, kasunod ng pagpapakita nito ng baril na naka-sukbit sa kanyang baywang. Sa isinagawang follow-up ng pulisya, huli ang suspek na nakasuot ng green camouflage sakay ng kanyang motorcycle.

    Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang gun replica ng .45 baril, posas at P300 na kanyang nakotong sa mga biktima. Ang suspek ay detinido sa Subic PNP detention cell at ipinagharap na sa kasong robbery extortion, usurpation of authority, illegal possession of gun replica at illegal use of PNP uniform.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here