Pekeng NPA members, huli

    412
    0
    SHARE

    MALOLOS CITY – Nasakote ng Bulacan police ang tatlong kalalakihan na nagpanggap umano na kasapi ng rebeldeng CPP-NPA at nanghihingi ng P3 milyong piso mula sa isang negosyante sa lalawigan ng Bulacan.

    Sa pamamagitan ng isang entrapment operation ng mga pulis noong Miyerkules ay nasakote ang mga suspek na sina Rodelio Plamenco ng Barangay Poblacion, Plaridel, Pelagio Lacas Brgy. San Nicolas, Hagonoy at Pablo Morales ng Brgy. Sagrada Familia ng Hagonoy.

    Ang naturang mga suspek ay nagpapanggap na kasapi ng Partido Komunista ng Pilipinas Bagong Hukbong Bayan Larangang Gerilya sa Kanlurang Bulacan at Pampanga.

    Ayon sa pulisya dumulog sa kanila ang biktima na si Vecka Gonzales ng Baliuag, Bulacan at humingi ng tulong.

    Ayon sa ulat, nauna ng nakapagbigay ng isang milyong pisong halaga ang biktima sa mga pekeng NPA members.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here