Home Headlines Pekeng lawyer-NBI agent arestado

Pekeng lawyer-NBI agent arestado

2729
0
SHARE

Ang pekeng lawyer-NBI agent na si Jeffrey Acero habang iniimbestigahan ng pulisya ng Meycauyan matapos ireklamo ng pananakit.



LUNGSOD NG
MEYCAUYAN — Arestado ang isang nagpapanggap na abugado at ahente pa ng National Bureau of Investigation matapos ireklamo ng panunutok sa live-in-partner nito sa Barangay Saluysoy.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jeffrey Acero, 31alyas “Atty Serafin A. Dela Cruz” at umanoy NBI agent, residente ng Barangay San Isidro, Antipolo City.

Ayon sa ulat, nagreklamo ang live-in partner ng suspek na itinago sa pangalang “Ana, na sinuntok siya ni Acero sa mukha ngunit nang rumesponde ang mga barangay tanod ay agad na nagpakilala ang suspek na isa siyang abogado at NBI agent na armado pa ng baril.

Ang mga pekeng dokumento mula sa suspek na gamit sa pagpapakilalang ahente siya ng NBI. Kuha ni Rommel Ramos

Dito na humingi ng tulong sa pulisya ang mga tanod at nabuking si Acero na pekeng lawyer-NBI agent pala na nakuhanan pa ng Glock 17 .9mm na baril na expired ang mga papeles, mga NBI identification cards, uniforms, dog tag, at singsing.

Ayon kay Acero, isa lamang siyang asset ng ahensya at nagawa niyang magpanggap na abogado at NBI agent upang makatulong sa ibang tao.

Pinagsisisihan daw niya ang nagawang kasalanan at humihingi ng tawad sa kinakasamang si Ana.

Samantalang desidido naman si Ana na kasuhan ang partner at noon lamang daw niya nalaman na peke pala ang pagkatao nito.

Ang suspek ay nasa kustodiya ng Meycauyan police at nahaharap sa patong-patong na mga kaso.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here