Hindi pala legal ang kasal nina Kris Aquino at James Yap.
Ilang taon ding nagsama sina Kris Aquino at James Yap bilang magasawa. Kabi-kabila ang mga publisidad sa bliss and hardships nila bilang mag-asawa, kasama na rito yung isyung infidelity ng kung ilang beses ni James. Pero saan humantong ito? Sa hiwalayan lang and worse, ngayon pa nabuking na hindi naman pala legal yung kasal ng dalawa.
Isang malaking rebelasyon ang pinakawalan ng mga abogado ni Kris Aquino sa panayam ng TV Patrol last Monday night.
For sure, ang lahat ng nanonood nang gabing iyon ay nagulat na malamang wala palang bisa ang kasal ng TV host-actress sa basketbolistang si James Yap.
Ayon sa mga abogado, since the marriage was void from the beginning, hindi legal separation or annulment ang magiging kaso kundi declaration of nullity of marriage.
Kung tutuusin, nakaka-shock ang balitang ito dahil matatandaang ang nagkasal kina Kris at James ay si former Quezon City Mayor Sonny Belmonte noong 2005 sa bahay ni Boy Abunda.
Bakit naging void?
Hindi na sinabi pa ng mga abogado ang mga grounds para matawag na void ang marriage at lalong hindi na idinetalye pa ang dahilan ng hiwalayan ng mag-asawa.
“Kasi nga, ayaw na muna namin, meron privacy dapat ang parties, tapos confidential ang proceedings especially when a child is involved,” ayon sa abogado ni Kris na si Atty. Anna Liza Logan.
Ayon pa sa report, kasalukuyan nang binabalangkas ang isusumiteng declaration of nullity of marriage na aaprubahan ni Kris pagdating mula sa U.S.