PBB Teen housemate, member na ng Cappuccinos

    485
    0
    SHARE
    Marami ang nagulat dahil sumali sa all male group na Cappuccinos ang dating PBB Teen Teen Edition 2 housemate na si Jolas Paguia. Siya ‘yung varsity player ng FEU na taga-Bulacan. Kasama niya sa grupo ang bida sa Sagwan na si Ryan Dungo, Dennis Torres, Julian Kish, Brendan Lewis, Adrian Petry, Christian Cayabyab, at Rod Ortiz.

    Actually, ginaya ni George Roca (manager ng grupo) ang konsepto ng Viva Hotmen na may isang celebrity member sa  katauhan ni Allen Dizon at puro baguhan na ang kasama.

    “Nag-try po ako, sinubukan lang. Pero mag-aaral din po ako ulit, babalik din po ako sa Tamaraw,” sabi niya sa soft launching ng grupo noong Sunday night.

    Inihahanda ba niya ang sarili na iisipin ng  tao na isa na siyang sexy actor sa pagpasok niya sa Cappuccinos?

    “Hindi naman po ganoon, eh!  Pinapipili kami kung ano ang gusto namin at kung hanggang saan ang limitation. Tinanong ako kung hanggang saan, sabi ko trunks,” sagot niya.

    Sa tingin niya, tamang career move ang pagpasok niya sa Cappuccinos?

    “Ganito po kasi.. after PBB, hindi po ako nakita sa TV. Ang sabi  po sa akin, bumalik na raw ako sa pagba-basketball. Kumbaga, wala pong plano sa akin. So,  naisip ko itong Cappucinos, hindi po siya masama, ito  po siguro ‘yung way para makita ako ulit sa TV. Baka roon po mag-start,” paliwanag niya.

    Anyway , mapapanood ang Cappuccinos sa April 25 bilang guest sa Super Bodies Bikini Open Year 4 ng Hataw, Remate, at Kanlaon Records sa Techno Wave Bar, Il Terrazzo Bldg., Tomas Morato kasama sina Maureen Larrazabal, Thea Aquino, Will Sandejas . Hosted by Janelle Jamer and Richard Pinlac. Sa pakontes na ito ng Hataw nag-title si Ryan Dungo noong 2008 at si Julian Kish noong 2007 na miyembro na rin ng Cappuccinos.

    Baka naman ang  mag-title ngayong 2009 ay maging Cappuccinos  din, ha George? O, ibigay na lang sa Tornados, isa ring all male group?


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here