Payong praktikal sa pagtitipid

    504
    0
    SHARE
    Magtipid. Ito ang karaniwang payong naririnig sa panahiong ito ng krisis.

    Ang totoo, dapat ay maging kakambal na natin ang pagtitipid dahil matagal na tayong nakalubog sa krisis.



    May krisis sa pamamahala. Pulos korapsyon ang laman ng balita. Wala ng bago.

    Kahit mabulgar, tuloy pa rin. Parang wala ng kahihiyan.



    May krisis sa peace and order. Pinapaslang ang mga mamamahayag, mga aktibista. Wala ring humpay ang kidnapping. Pati mga kasapi ng International Committee of the Red Cross nadamay.

    Nasaan na ang mga pulis?



    May krisis sa ekonomiya. Marami ang nawawalan ng trabaho, OFW na pinauwi, mataas ang bilihin, at nagsisipagsara ang mga kumpanya.

    Kaya kung hindi rin lang kailangan ang isang bagay, isantabi muna ang pagbili.



    Narito naman ang ilang praktikal na pamamaraan ng pagtitipid.

    Ayon kay Caridad Robles ng Brgy. San Sebastian, Hagonoy, pinalitan na niya ang mga lumang dilaw na bumbilya sa kanilang bahay ng mga compact fluorescent lamps (CFL) na kulay puti upang makatipid sa konsumo ng kuryente.



    Dahil dito, bumaba ang buwanang bayad nila sa kuryente ng halos P100.“Mas mabuti ang magtipid sa panahong ito, hirap kumita ng pera, mahal pa ang bilihin,” aniya.

    Halos tatlong kilong bigas din ang katumbas ng P100.



    Para naman sa dalawang anak ni Robles na sina Marjorie at Angelica na maging sila ay nagtitipid na rin sa pamasahe.

    Ito ay sa pamamagitan ng paglalakad pauwi mula sa eskwela. Good for the health pa yan. Ingat lang sa sasakyan habang naglalakad, baka masagi ng sasakyan.



    Para naman kay Narciso Baesa, nagtitipid siya sa pamamagitan ng paghugot ng mga plug ng kanilang appliances kapag hindi na ginagamit.

    Ito ay dahil sa kahit na hindi ginagamit ang apliances tulad ng telebisyon ay kumokunsumo pa rin iyon ng kuryente.



    Para naman sa ibang misis, nagtitipid sila sa pamamagitan pagluluto ng marami kung umaga, kaya’t kung minsan, hanggang hapunan na ang kanilang pagkain.

    Ayos, masarap ding kumain ng kaning lamig!



    Ipinapayo naman ni Agaton Milgroso ng Malolos na para higit na makatipid ay sipag kalan ang gamitin na ang panggatong na gamit at ipa. Ayon kay Milagroso, higit na mura ang ipa ng palay sa uling, kahoy o liquefied petroleum gas.

    Panahon para maawat tayo sa paggamit ng LPG at kahoy.



    Para naman kay Tina Geronimo ng Provincial Agriculture Office, mas makabubuting magtanim ang bawat isa sa loob ng kanilang mga bakuran.

    “Pabor ang pagtatanim sa mga nawawalan ng trabaho o nabawasan ng oras ng trabaho dahil kung may tanim sila, hindi nila masyadong problema ang pagkain,” ani Geronimo.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here