PAYO NI TRILLANES:
    ‘Huwag akong gayahin’

    343
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG MALOLOS – Maging mabuting mama-mayan kayo at huwag gayahin ang aking paghawak ng armas pagrerebelde.

    Ito ang buod ng payo ni Senador Antonio Trillanes sa mga nagsipagtapos na mag-aaral ng College of Engineering ng Bulacan State University (BulSU) kung saan ay nagsilbi siyang panauhing tagapagsalita noong Lunes, Abril 4.

    “Find your part to make you relevant in society,” ani Trillanes at binigyang diin na, “you need not take up arms like what I did, but being a good citizen is a good start.”

    Sa kabila ng mensaheng ito, ipinabatid din ng senador na hindi siya nagsisisi sa pagiging bahagi ng mga sundalong Magdalo na nagsagawa ng Oakwood Mutiny noong 2003.

    Sinabi niya sa mga nagsipagtapos na mag-aaral na “don’t hold back anything and you will not regret anything, failure is only for those who never try.”

    Iginiit pa niya na, “enjoy every road you take, savor every moment, try to find enjoyment in everything you do.”

    Sa kanyang maikling talumpati, tatlong payo ang kanyang hinatid sa mga mag-aaral: una ay “know yourself”; ikalawa, “pursue your dreams”: at ikatlo, “enjoy the journey.”

    Ayon sa senador, kung kilala ang sarili at alam ang kakayahan, ito ay susi sa tagumpay.

    “Everyone has to know his or her role in society, but in order to partake in society, you should know what you want, discover what you want and what makes you happy,” aniya.

    Habang patuloy naman ang kabataan sa paglalakabay, maraming tao ang makakasalamuha, ilan ay magbibigay ng payo at direksyon, ngunit sinabi niya na, “do not let them control your way.”

    Iginiit pa ng senador na hindi lahat ay magiging tanyag o magiging bilyonaryo na tulad nina Bill Gates ng Microsoft Corporation at Mark Zuckerberg ng Facebook.com, ngunit sinuman ay maaaring maging magaling at mahusay kung alam nila ang kanilang gusto sa buhay at kilala ang sarili.

    Patungkol sa mga posibleng problema sa pagkakamit ng tagumpay, ipinayo niya sa mga nagsipagtapos na “never give up, have faith, if you fail to get a job in the first try, then try again.”

    Sinabi pa niya na, “do not hesitate knowing that you are doing what you want and trying your best, liberates you from insecurities and complexities of life.”

    Bilang isang dating opisyal ng Philippine Navy na nakulong sa pakikibahagi sa Oakwood Mutiny noong 2003,  sinabi ni Trillanes na ang mga prinsipyong kanyang binanggit ay nagsilbing gabay niya sa buhay partikular na ng siya ay halos wala ng pag-asa matapos makulong.

    Si Trillanes ay nagtapos ng kursong Electronics Communication Engineering sa Dela Salle University, pagkatapos ay pumasok sa Philippine Military Academy (PMA) noong 1991.

    Pagkaraan ng apat na taon, nagtapos siya bilang kasapi ng top 10 sa PMA, nagsilbi sa Navy kung saan nakita niya umano ang kurapsyon sa gobyerno.

    Nag-aral at nagtapos siya ng Master of Public Administration sa University of the Philippines kung saan ay binaggit niya sa kanyang thesis ang mga kurapsyon sa pamahalaan.

    Noong 2003 ay naging bahagi siya ng Oakwood Mutiny, nakulong at noong 2007 ay kumandidato bilang senador sa platapormang laban sa kurapsyon, at nagwagi sa kabila na siya ay nakakulong.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here