CALUMPIT, Bulacan – Nararapat ng baguhin ang National Health Insurance Law ng bansa dahil ito ay lumalabag sa karapatang pantao, ayon kay dating Gob. Roberto Pagdanganan.
Sinabi pa ni Pagdanganan na ang Republic Act 7875 o ang National Health Insurance Act of 1995 ay hindi nakakatugon sa pangangailangan ng mamamayan.
“We must reengineer universal health care system. It’s a terrible injustice and gross violation of the basic human right of the people, as well as the constitution provision that people have to be treated especially when they don’t have the means. We must work for the amendment of our national health insurance policy,” ani ng dating gobernador na siyang tagapamuno ng Medicines Transparency Alliance (MeTA) ngayon.
Ang MeTA ay isang alyansa ng pamahalaan, mga bumubuo ng industriya ng paggawa ng gamot at mga civil society organizations na nagsusulong na higit na mapaganda ang access sa mga gamot na kailangan ng tao.
“Dispalinghado ang ating national health insurance system pagkat ang ating national health insurance system ay pakikinabangan mo lang pagka ikaw ay naospital, kapag durog na apdo mo, pantog mo o pag kinakailangang i-ospital ka,” ani Pagdanganan at ipinaliwanag na ang “health care” ay nangangahulugan na “caring for people not to get sick.”
Binigyang diin niya na ang health insurance system ng bansa ay nakatuon sa pagiging “curative” at hindi sa pagiging “preventive” nito.
“In Thailand, they prevent people from getting sick, that is health care is all about. In our country, you benefit from your health insurance only when you get sick; therefore we must amend the damn law, so that it will be preventive, effective and less costly,” ani Pagdanganan.
Inilahad pa niya na batay sa mga pag-aaral sa health insurance sa bansa, lumalabas mahigit sa 60 porysentong bayarin sa ospital at gamot ay binabayaran ng mamamayan at hindi ng health insurance.
“If we sum up the health expense in this country, 58 to 60 percent of total expenses is paid for by the people out of their pockets,” aniya. “Dapat gayahin ng bansa ang sistema ng Thailand.”
“Our health insurance system is curative and expensive as against Thailand’s preventive and less costly,” dagdag pa ng dating gobernador.
Nang tanungin kung paano mababago ang RA 7875, sinabi ni Pagdanganan na kailangang gumawa ng inisyatiba sa pagbabago ng batas gaya ng Kongreso upang maging makahulugan ang nasabing batas.
Matapos magsilbing gobernador sa loob ng 12 taon, si Pagdanganan ay itinalaga sa ibat-ibang matataas na posisyon sa gobyerno kabilang ang pagiging tagapangulo ng Philippine International Trading Center (PITC), ang ahensiya ng gobyerno na naatasang mag-angkat ng mga murang gamot sa ibayong dagat tulad ng India.
Pagkatapos niyang manungkulan sa PITC, si Pagdanganan ay napabilang sa grupong HealthWatch, isang non-governmental organization na nag-aadbokasiya ng maayos na health care system at murang gamot.