Home Headlines Payak na selebrasyon ng Linggo ng Palaspas

Payak na selebrasyon ng Linggo ng Palaspas

887
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS — Tuloy pa rin ang selebrasyon ng Linggo ng Palspas o Domingo de Ramos para sa pagsisimula ng Mahal na Araw sa kabila ng pinapatupad na enhanced comnunity quarantine.

Subalit wala na ang matataong pagtitipon ukol dito.

Idinaos ang Banal na Misa ng Malolos Cathedral sa pamamagitan ng internet at may ilan lamang na dumaloat nagpabendisyon ng kanilang mga dalang palaspas.

Ang mga lay ministers na lamang ang inatasan ng simbahan para magbahay-bahay at magbendisyunan ang mga palaspas.

 

Samantala, sa kabila ECQ ay may mga gumawa at nagtitinda pa rin ng palaspas sa labas ng mga simbahan.

Para kasi sa mga Katoliko ang pananampalataya sa Panginoon ang isang mabisang sandata para mapuksa at mailayo na ang bansa sa nakakamatay na corona virus.

Sanga ng sari-saring halaman bilang palaspas

Samantala, sa Samal, Bataan naman sari-saring sanga ng halaman at maging mga halaman sa paso ang inilabas ng mga residente ng barangay Santa Lucia habang hinihintay ang inaakala nilang magbabasbas sa mga ito na pari ng Iglesia Filipina Independiente o Aglipay Church.

Nang dumaan na ang ilang sasakyan na tumutugtog ng religious song, iwinagayway ng mga residente na karamihan ay babae ang kanilang hawak na mga sanga ng halaman.

Bilang pag-iingat, walang paring nagbasbas ngunit isang Imahen ng Kristo na sakay ng isang pickup ang waring nagsilbing tagabasbas ng mga iwinawagayway na mga sari-saring palaspas.

Bago nangyari ito, nagkaroon muna ng Banal na Misa sa IFI church ngunit tanging si Rev. Fr. RoderickMiranda at ilang tauhan ng simbahan ang dumalo bilang pag-alinsunod sa social distancing.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here