Home Headlines Pawikan na-rescue

Pawikan na-rescue

122
0
SHARE
Ang pawikan na nahuli sa dagat ng dalhin sa barangay ng Bagna. Kuha ni Rommel Ramos

LUNGSOD NG MALOLOS — Isang babaeng pawikan na may sukat na 80 cm at bigat na 42 kilo ang nakuha na nakasalalak sa isang lambat sa karagatan sa bahagi ng Barangay Pamarawan sa lungsod na ito nitong Sept. 21. 

Ang nasabing pawikan ay dinala sa Pamahalaang Barangay ng Bagna at ipinasuri sa mga kawani ng Malolos City Environment and Natural Resources Office para malaman ang kalagayan ng pangangatawan nito.

Matapos masuri na maayos naman ang lagay ng pawikan at wala itong sugat ay isinakay ito sa rescue boat at agad na ibinalik sa gitna ng karagatan.

Ayon kay Boyet Villena, kapitan ng barangay Bagna, posibleng kasama sa huli na mga isda ng mga mangingisda ang nasabing pawikan at pinakawalan sa dagat ngunit sumalalak malaunan sa lambat.

Aniya, siniguro nilang sa gitna ng karagatan na pinakawalan ang pawikan para hindi na ito makabalik sa pampang ng Malolos at masigurong makakapamuhay ito muli ng maayos sa katubigan.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here