MASAYA ba si LJ Reyes dahil hiwalay na sila ni Paulo Avelino o masaya siya dahil sila pa rin. Ang arte-arte naman kasi ng sagot niya sa Star Talk, eh, simpleng yes or no lang naman ang hinihinging sagot sa kanya.
’Wag mag-ambisyon sina LJ at Paulo na mapapanatili nila ang kanilang privacy dahil sa ginawa nilang indiscretion. Wala pa sila sa lebel ng malalaking artista upang magsalita ng ganyan, ’no?
Eh, kung ’yung mas malalaki at mas sikat sa kanilang artista, walang dayalog na privacy ek-ek, sila pa kayang wala pang maraming napatunayan sa showbiz?
Hindi sapat ang isa o dalawang acting awards upang magmalaki na sila. Ito namang si Paulo, waring diring-diri kapag natatanong tungkol sa anak. Naku, kung kami ang ginanyan niyan pati na ng handler niya, they will never heard the end of it!
he more na maging maramot sila, the more na kukulitin sila ng press! Respect begets respect kaya kung gusto nilang irespeto, matuto rin silang rumespeto, ’no?
Lastly, if they can’t stand the heat, get out of the kitchen!!!
Hahaha, kilalang-kilala naming kayong dating magkabit, huh!