Paulo Avelino missed na ang anak kay LJ Reyes

    353
    0
    SHARE

    AMINADO ANG “Honesto” star na si Paulo Avelino na sabik na sabik na siyang maka-bonding muli ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang anak.

    “Sobrang thankful ako sa lahat ng blessings na natanggap ko this year, lalo na sa pagiging part ko ng Honesto.

    “Pero kung may iwi-wish man ako ngayong Pasko, ’yun ay ang magkaroon ng mas mahabang panahon kasama ang family ko. Miss na miss ko na kasi sila,” pag-amin ni Paulo.

    “Masaya pa rin naman ang Christmas ko kasi kasama ko ang pamilya ko sa set, lalo na si Honesto,” pahayag ng award-winning actor tungkol sa child star na kasama niya na si Raikko Mateo.

    Samantala, tiniyak ni Paulo na mas kakapit pa ang viewers sa kuwento ng serye dahil lubusan nang magbabalik ang ala-ala ng kanyang karakter na si Diego.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here