MARAMI ANG nalilito sa tunay na relasyon ngayon nina KC Concepcion at Paulo Avelino base na rin sa mga post ng aktres sa kanyang Instagram account.
Noong April 19 kasi ay dalawang magkasunod na pictures ang ipinost ni KC sa kanyang Instagram account at magkakaiba ang interpretasyon ng mga nakakita nito.
Sa unang photo ay makikitang magkasama sila ni Paulo sa kitchen ni KC sa kanyang tinutuluyan sa U.S. at may caption na, “Safe flight home. It made my heart happy to cook for you that day & to see you enjoying the little things, even just for a while. Thank you. For everything.”
Marami sa followers ni KC ang kinilig sa picture na ’yun at nag-speculate na sila. In fairness naman to Paulo, effort kung effort talaga siya to win KC’s heart to the point na binisita pa niya ang dalaga sa New York.
The actress has been in the US for quite some time now para magaral. Pero heto na, ang kasunod na post na picture ni KC ay may caption na, “Our roads are gonna cross again. It doesn’t really matter when.”
Makikita lang sa photo ang shadow nilang dalawa ng aktor habang magkatabi. Ang hula ng iba, binasted ni KC si Paulo kaya ganu’n ang caption. May mga nagkomento na “wise decision” daw ang ginawa ng aktres at mahahanap din daw nito in time ang kanyang prince charming.
May nagsasabi ring luhaan daw na umuwi si Paulo sa ’Pinas dahil dito. Ang tanong ng lahat, ano ba talaga ang real score sa dalawa? Binasted ba si Paulo ni KC o sila na? Well, sila lang ang makakasagot niyan.