Pauleen Luna malaya nang umibig sa iba

    423
    0
    SHARE

    Kung hindi gimik at paniniwalaan na totong break na sina Pauleen Luna at ang dating BF nitong Valenzuela mayor na si Sherwin Gatchialian, ibig sabihin , malaya na namang umibig na muli si Pauleen Luna. Na anytime nga, and who knows, baka sa mga sandaling ito ay may iba ng special boy sa puso niya.

    Could it be JC De Vera again na ex niya? O baka naman meron na ngang iba na dahil nadala na si Pauleen sa mga intrigang pag-ibig sa kanya in the past, kaya pinakatagu-tago na lang niya.

    Pero siyempre, kung si Pauleen ang tatanungin, sasabihin niyang nais muna niyang ipahinga ang puso niya. After all, she started early in romance activities. Mga kinse anyos pa lang siya, kung kani-kanino na siya na-link, kung hindi kami nagkakamali, limang lalaki na yata. “Let me just take a respite, panahon na siguro para todo ko namang harapin ang aking career.

    Nagagalit nga sa akin ang manager ko, dahil nababagalan siya sa akin. Noon kasi, parang ang lumalabas ay mas priority ko pang love life kesa trabaho ko. Hindi naman po totoo yun, masyado lang nabigyan ng publisidad, lalo na kami nuon ni Mayor. Akala nila, lahat ng time ko, doon ko na binuhos. Para wala na lang masabi ang manager ko, ayan, concentrated na ako ngayon sa career ko.

    “Ako naman, okey lang sa akin ang ganito. Tama na itong may regular na trabaho naman ako, kahit paano may kita naman, basta ‘wag lang ‘yung mawala nang todo. Hindi pa kasi ako ready for settling down ngayon. Bata pa po ako at talagang career muna bago ‘yang love love na yan,” natatawang sabi sa amin ni Pauleen Luna.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here