Pauleen Luna handa na sa bagong role bilang asawa ni Bossing Vic

    619
    0
    SHARE
    KUNG darating ang best friend ni Pauleen Luna, ang 2015 Miss Universe na si Pia Alonzo Wurtzbach sa kasal nila ni Vic Sotto on January 30 na gaganapin sa isang simbahan sa Ayala Alabang in Muntinlupa City, inaabangan din ang pagdalo ng isa sa mga Dabarkads ng “Eat Bulaga” na naging ex-GF ni Vic Sotto ng maraming taon, si Pia Guanio.

    May asawa’t anak na si Pia at matagal na itong nakapag-move on sa break-up nila n Vic kaya nananatili pa rin siya sa “Eat Bulaga” at kaibigan na ang turing kay Pauleen at kay Vic mismo.

    Naging emotional pareho ang soon-to-be Mr. & Mrs. Vic Sotto last Saturday sa “Eat Bulaga” kung saan sila binigyan ng joint pre-wedding celebration ng programa. Mas pinag-usapan ang nasabing special segment kesa sa segment ng Kalyeserye nina Alden Richards, Maine Mendoza at tatlong lolas na ginagampanan nina Wally Bayola, Jose Manalo at Paolo Ballesteros.

    Handang-handa na si Pauleen sa kanyang magiging bagong role, ang pagiging maybahay ni Vic Sotto at pagiging step-mom at step-grandma sa mga anak at mga apo ng veteran TV host-comedian-producer.

    Twenty four years din ang hinintay ni Vic bago muling mag-asawa matapos silang maghiwalay ng una niyang misis na si Dina Bonnevie in 1992.

    Si Dina ay may bago na ring mister, ang vice-governor ng Vigan, Ilocos Sur na si Deogracias Victor Savellano na kanyang pinakasalan in 2012.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here