Pauleen Luna, Dennis Trillo’s most special girl

    404
    0
    SHARE

    Taliwas sa kanyang personalidad, medyo animated na ngayon si Dennis Trillo when talking about the newest girl in his life, si Pauleen Luna. Kung noon, matipid siya sa mga sagot sa mga tanong tungkol sa mga past loves niyang sina Carlene Aguilar at Cristine Reyes, iba na siya kay Pauleen Luna. Obvious talaga na si Pauleen ang most special girl sa puso niya ngayong mga panahong ito. 

    Open na si Dennis ngayon sa kung anuman ang meron sa kanila ni Pauleen Luna, co-star niya sa romantic-comedy series ng GMA-7 na Adik Sa ‘Yo

     Walang ka-date si Dennis na dumating sa premiere night. Pero ayon sa kanya, gusto raw sanang sumama ni Pauleen at manood.

    "Dapat kasama siya, kaso alam ko, maraming tao, sigurado pagpipiyestahan lang kami," nakangiting sabi niya. "Siguro, sa ibang araw na lang kami manonood, kapag walang masyadong maraming tao. Baka hindi na kami mag-enjoy. Titingnan ko muna."

    Inamin na rin ni Dennis na palagi silang lumalabas ni Pauleen, at sa lahat ng babae, si Pauleen ang "pinaka-special friend" niya. Pero ano nga ba ang meron kay Pauleen at ito ang pinaka-special sa kanya?

    "Masaya kasi siyang kasama. Masaya ako kapag kasama ko siya. At saka magkasundo kami sa maraming bagay," sagot ng aktor.

    Natatawa namang umamin si Dennis nang tanungin kung nasa "dating period" na ba sila ni Pauleen. 

    "Oo, yun na nga," sabi niya.

    Sila na ba ni Pauleen o papunta pa lang sa romance ang pagiging special friend nila?

    "Tingnan na lang natin, di ba?  Wala naman kaming pipilitin na kahit na ano. Sobrang close kami. Palagi kaming lumalabas. Special siya sa akin. Basta ine-enjoy lang namin ang company ng isa’t isa," saad ni Dennis.

    So there!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here