Paul Salas gustong gumaya sa kapalaran ni Dingdong Dantes

    302
    0
    SHARE

    Ang gusto raw niyang sundan ay ang mga yapak ng idol niyang si Dingdong Dantes, tito niya in real life.

    Pinsan ng nanay niya ang aktor kaya kung mapapansin n’yo ay kahawig din niya ito.

    “Kasi noon pa, sinasabi niya sa akin na ‘nakikita ko, may future ka, huwag maging mayabang, ganyan.’ Tapos sabi niya, ‘’andito lang ako as tito mo,’ ganyan.”

    Maraming pangarap si Paul kaya gustung-gusto raw niya talagang magtagumpay sa kanyang karerang pinasok.

    Dream niyang makabili ng Porsche kapag malaki na ang kanyang kinikita.

    Paul is only 14 kaya kung magtutuluy-tuloy ang maganda niyang career ay hindi malayong mabili niya ang dream car in no time at all.

    Dahil partner niya si Ella sa Aryana, ngayon pa lang ay marami na ang tumutukso sa kanila lalo pa nga’t araw araw silang magkakasama at hindi malayong ma-develop sa isa’t isa.

    Pero say ni Paul, mga bata pa sila. Si Ella ay 15 lang at wala pa sa isip nito ang pakikipag-boyfriend. Ganu’n din naman daw siya.

    “Friends lang po kami ni Ella, simula pa nu’ng bata kami, magkaibigan na kami,” nakangiting sabi ni Paul.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here