Patubig dinadayo kapag-summer kahit delikado

    1084
    0
    SHARE

    BUNI-BEACH kung tawagin dahil marami daw nakukuha dito na sakit sa balat dahil sa paliligo. Bukod sa peligro ng sakit sa balat, delikado rin ang paliligo dito sa buhay ng tao.

    Ilang buhay na daw ang nabuwis sa mga naliligo na pawang mga kabataan. Ito ang patubig ng National Irrigation Administration sa Baranggay Look 2nd sa Malolos, Bulacan. Dinarayo kapag ganitong summer dahil sa libre ang paliligo dito at running water pa.

    Mapapansin na pawang mga menor de edad ang mga nagsisipaligo dito. Malayo sa mga resort dahil wala man lang nagbabantay na lifeguard sa kanila at wala ding mga lifevest gaya ng salbabida. Kanya-kanya pa ng dive ang mga nagsisipaligo, ang iba’y nagta-tumbling pa bago bumagsak sa patubig.

    Ayon sa mga nagsisipaligo, presko at libre ang paliligo dito bagamat aminado sila na maraming sakit sa balat na posibleng makuha dito at pawang delikado sa kanilang buhay. Kanya-kanya na lamang daw ng diskarte sa paliligo at pawang mga sanay naman daw silang lumangoy.

    Ayon naman sa pamahalaang barangay ng Look 2ndna nakakasakop sa naturang patubig, mahigpit na nilang ipinagbabawal ang paliligo dito dahil delikado. Nito lamang daw huling limang taon, nasa limang kabataan na ang binawian ng buhay dahil sa paliligo.

    Sumisid daw ang mga ito sa patubig at na-trap na sa prinsa at hindi na nakalabas ng buhay. Tatlong kabataan daw agad ang sabay-sabay na nalunod nood bukod pa sa dalawang magkahiwalay na insidente. Naglagay na daw sila ng karatula na bawal maligo doon ngunit tinatanggal ng mga kabataan. Hindi naman daw nila mabakuran ang nasabing patubig dahil sa ito ay pag-aari ng NIA.

    May mga pagkakataon daw na binabantayan ng kanilang mga tanod ang naturang paliguan ngunit hindi nila nagagawa sa lahat ng pagkakataon. Sa ngayon hanggang paalala na lamang daw ang kanilang magagawa sa publiko na maraming sakit sa balat na posibleng makuha sa paliligo doon bukod pa sa peligro ng pagkalunod.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here