Home Opinion Patakaran ng PELCO III, kwestyonable sa marami

Patakaran ng PELCO III, kwestyonable sa marami

996
0
SHARE

KUNG anong klase ng patakaran may’ron
ang ‘satellite office’ nito sa San Simon
hinggil sa isyu ng ‘unjust disconnection
of power’ ang ating pag-usapan ngayon

Kung saan base sa daing ng marami
na mga ‘consumers’ nga nitong Pelco III,
isang ‘unpaid bill’ lang ng ating kuryente
‘subject’ na tayo ng ‘disconnection’ pati.

Tama’t may ‘notice of disconnection,’ pero
nakalagay na ‘yan sa bale abiso
pa lamang ng ating buwanang konsumo,
bilang ‘consumer’ niyan sa naturang punto.

Eh bakit nga hindi, kung kwenta ‘notice’ lang
‘yan ng halaga na kailangang bayaran
ng sinuman na di marapat isabay
sa iisang papel ang naturang bagay.

At ang isa pa r’yang di marapat gawin
ng Pelco ay itong basta na lamang din
isagawa n’yan ang pag- ‘disconnect’ pa rin,
kahit wala tayo bahay po natin?

Kailan lang, isa sa aking mga anak
ay muntik nang maputulan ng di oras
kundi lang ang isang kapatid tumawag
at sinagot, tapos na siyang magbayad.

Eh kung nagkataong di sinita niya
ang lineman na noon nga ay paakyat na
a hagdan para nga isagawa niya
ang pagputol ay ‘plus reconnection fee’ pa?

Itong nakatakda pa niyang bayaran
na umano ay Php 650.00 lamang
at wala ng ibang ‘pending bill’ isa man,
pero muntik na nga siyang maputulan!

Subali’t sa puntong may nakasabay siya
na isang ‘consumer’ na di lang dalawa
ang ‘unpaid bill’ nito natunugan niya,
diyan sa PELCO III palakasan pala?

Eh bakit nga hindi? Hayan ang pruweba
na itong ‘unpaid bill’ ni Mary Jane Garcia,
na isang buwan lang puputulan siya
kung hindi magbayad, nakapagdududa.

Ilang buwan ba dapat ang maging atraso
ng mga ‘consumers’ bago ang serbisyo
(ng ‘koperatiba’ o ng ating PELCO),
di maging patas sa lahat na ng miembro”

Hindi pag-aari nitong sino pa mang
‘manager, directors’ at iba pang tauhan
na nagpapakilos sa PELCO, kabayan
kaya nararapat ang tayo’y makialam!

Magkano na’t saang ‘banking association,
private and/or any (mga) government own
company? O kaya ‘lending institution’
naka-‘deposit’ ang kita nating ‘millions’?

Nagbigay na ba yan nitong tinatawag
na ‘dividend’ sa’tin mula nang itatag?
Kooperatiba ang PELCO kung kaya’t
ang katanungang ‘yan sadyang nararapat!

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here