Patakaran ng LTO, magulo

    333
    0
    SHARE
    ISA sa ahensya ng ating gobyerno
    Itong tanggapan ng LTO siguro
    Ang pinakabobo at nomiro uno
    Sa pagpairal ng ordinansa nito

    Na animo’y basta na lang naglalabas
    Ng mga ‘rulings’ na sila rin madalas
    Ang kaginsa-ginsa binabawi agad
    Kapag napagtantong di karapat-dapat.

    Tulad halimbawa nitong kailan lamang
    Na ipinalabas nilang kautusang
    ‘No plate, no travel’ na sila rin ang kusang
    Sumuspende matapos ang ilang araw.

    At kung saan marami ng naperwisyo
    Nating motorista sa napakagulo
    Nilang patakaran na di rin siguro
    Matamang inisip ng Director nito

    Bago pa marahil pinairal sukat
    Ng kung sinu-sino pang ibang opisyals,
    Na ang sasakyan ay di puedeng ilabas
    Hangga’t sticker pa nga lang itong hawak

    Ng mga buyers ng anumang sasakyan,
    Na nasanay na sa dating kalakaran;
    At ngayon ay biglang ito’y ipagbawal,
    Sino sa tantya n’yo ang may pagkukulang?

    Napakatagal na ng dating sistema,
    Bakit ngayon lang n’yan naisip kumbaga
    Na ipa-iral nang kaura-urada
    Ang ‘no plate, no travel’ kung may utak sila?

    Bakit hindi itong mga ‘car dealers’ diyan,
    Ng Toyota, Honda, Mitsubishi, Nissan
    Ford, Kia, Isuzu, Hyundai at iba pang
    Klase ng sasakyan ang inyong atasan

    Na iparehistro muna ang paninda
    Nilang mga kotse’t ibang sasakyan pa
    Bago n’yan pupuedeng sa ‘customers’ nila
    Ipagbili upang lahat kasado na?

    At wala ng dapat pang asikasuhin
    Sa LTO itong mga kliyente na rin
    Ng mga dealers d’yan ng ‘motorized vehicle’
    Upang sila’y wala ng dapat ayusin.

    Sa ganyang sistema at/o magkatuwang
    Na pamalakad ng ahensyang naturan
    At ng ating mga ‘car dealers’ tuluyang
    Ang ‘no plate, no travel’ masosolusyonan.

    Kasama na riyan ang mga motorsiklo,
    Na bago lumabas yata ang rehistro
    Ay bumibilang din ng buwan umano,
    Kaya pati ‘buyers’ niyan ay apektado

    Sa inilabas na utos ng LTO
    Na basta na nga lang pina-iral nito
    Ng anila’y walang sapat na abiso,
    Kaya problema ang idnulot mismo

    Ng pinakapalpak sa lahat na ng palpak
    Na ordinansa riyang biglang pinatupad
    Ng ating LTO na di na nag-‘consult’
    Man lang yata sa’ting ibang matataas

    Na opisyal natin sa pamahalaan
    O sa ‘public hearing’ yan ay idinaan,
    Kaya suma-total pawang kapalpakan
    Sa bandang huli ang lagi ng hantungan?

    (Gaya ng nangyari sa Mamasapano
    Na ng pumalpak ang misyon diumano
    Ay naghugas kamay ang ating Pangulo
    Upang di madawit sa galit ng tao?!)

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here