Home Headlines Patak kontra polio nagsimula na

Patak kontra polio nagsimula na

725
0
SHARE

Nagbabahay-bahay ang mga barangay health workers upang isagawa ang programang Patak Kontra Polio. Kuha ni Ernie Esconde



SAMAL, Bataan
Nagsimula na Lunes ang programang “Patak Kontra Polio” sa Bataan sa hangarin na masugpo ang isa sa pinakamapanganib na sakit sa mga bata.

Sa isang streamer, isang babala ang nagsasabing “May outbreak ng Polio sa Pilipinas! Mapanganib ito sa lahat ng mga bata at Bawat patak, dagdag proteksyon.”

Sa barangay Sta. Lucia, Samal halimbawa, hindi napigil ng masamang panahon ang mga barangay health workers sa pangunguna ni rural health midwife Lolita Poblete na isagawa ang programa.

Mahigpit na sinusunod nila ang mga safety protocol bilang proteksyon hindi lamang para sa kanila kundi para sa mga bata at magulang.

Ang mga BHW at si Poblete ay pawang nakasuot ng personal protective equipment, face mask at faceshield. Bago sila magpatak at humawak sa bata ay naglalagay muna sila ng alcohol sa mga kamay.

“Ang programang ito ay inilunsad ng Department of Health ngunit  dahil sa coronavirus disease ay pansamantala itong nahinto at hindi nagawa agad, sabi ni Poblete.

Hindi na hinintay ng mga BHW na magpunta pa sa kanilang barangay health center ang mga magulang kundi sila na ang nagbahay-bahay at isa-isang pinatakan ng anti-polio ang mga bata sa bibig.

Ang target namin ay lahat ng mga batang may edad na 0-59 months sa area namin sa Barangay Sta. Lucia.  Lahat ng bata na nasa edad na makikita namin sa bahay ay dapat mabigyan nito, sabi ng midwife.

Nagpasalamat naman ang mga magulang dahil may proteksyon na laban sa polio ang kanilang mga anak.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here