Home Headlines Pasyalan na may Christmas decor, libre pagkain at rides

Pasyalan na may Christmas decor, libre pagkain at rides

694
0
SHARE
Ang pagdating ni Santa Claus. Kuha ni Ernie Esconde

ORANI, Bataan — Saan ka makakakita ng lugar na nakakaakit na ang ang mga Christmas lights na sinasaliwan ng mga Christmas carol at pagkatapos libre pa ang bibingka, puto bumbong, palamig, at dinosaur rides? 

Iyan ang isang binuong pasyalan sa Mulawin Heights Phase II sa Barangay Tugatog sa Orani, Bataan na dinudumog ng maraming tao pagsapit ng gabi. 

Ikatlong gabi na noong Sabado binuksan ito at magpapatuloy umano  ito hanggang ika-23 ng Disyembre.

Libreng bibingka at puto pumbong. Kuha ni Ernie Esconde

Isang lalaking nagbihis Santa Klaus ang gabi-gabing dumarating na pinagkakaguluhan ng mga bata.

Mahabang pila ang mga taong kumukuha ng libreng popcorn samantalang dinadala naman sa bawat mesa ang libreng bibingka at puto bumbong. Masayang-masaya ang mga bata sa dinosaur rides.

Nagniningning ang lugar dahil sa mga nakapalawit na Christmas lights sa puno, malaking Christmas balls na may mga reindeer at hinugis sa ilaw na malaking parol.

Sinabi ng isang nag-aasikaso sa lugar na ang proyekto ay sa kagandahang-loob ng negosyanteng si Antonio “Jon” Arizapa na ang bahay ay katabi ng lugal pasyalan. 

“Sa nakalipas na dalawang taon ay naging madilim ang Pasko kaya layunin kong gawing espesyal ang Pasko sa taong ito upang magbigay liwanag at maging bilang simbolo ng pag-asa sa bawat isa na ang lahat ng pagsubok ay kaya nating malampasan,” sabi sa social media page ni Arizapa. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here