Paslit patay, posibleng ginahasa

    391
    0
    SHARE

    STA. MARIA, Bulacan – Kalunos-lunos ang sinapit ng isang anim na taong gulang na batang babae sa bayang ito na natagpuang patay sa likod ng isang abandonadong bahay noong Sabado ng umaga.

    Hinihinala ng pulisya na ginahasa rin ang paslit bago patayin ng hindi pa natutukoy na salarin.

    Ang biktima ay kinilala ng mga kaanak sa pangalang Angel Garcia, anim na taong gulang, residente ng Barangay Caypombo sa bayang ito.

    Batay sa ulat ng pulisya, ang biktima ay huling nakitang buhay bandang alas-4 ng hapon noong Biyernes habang nakikipaglaro sa isang kapitbahay.

    Ngunit gabi na ay hindi pa umuuwi ang biktima, kaya’t noon di’y ipina-blotter ng mga kaanak na ito ay nawawala.

    Kahapon ng umaga, natagpuan ang bangkay ng paslit sa likod ng isang abandonadong bahay na may 20 metro lamang ang layo sa bahay ng biktima.

    Marami din pasa sa katawan ang paslit na palatandaan na binugbog at pinahirapan ito bago pinatay.

    Batay naman sa pagsisiyasat ng mga kasapi ng Scene of Crime Operatives (Soco), nakarecover sila ng isang walang laman na supot ng Piatos, at lapis ng biktima sa loob ng abandonadong bahay.

    Ayon sa pulisya, posibleng ang Piatos ang ginamit na pang-akit ng salarin upang maisama ang biktima sa loob ng abandonadong bahay.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here