LUNGSOD NG BALANGA – Binuksan noong Martes matapos magtakip-silim ang Christmas lights sa ginagawang multi-milyong plaza dito bilang hudyat ng pagsisimula ng tinatawag na “Paskong Balangueno.”
Balangueno ang tawag sa mga naninirahan sa Lungsod ng Balanga. Sinabi ni Mayor Jose Enrique Garcia III na nakalinya na ang mga programang gaganapin para sa selebrasyon sa buong buwan ng Disyembre bilang paggunita sa Pasko.
Nagparinig ng ilang nakakakiliting tugtugin ang Bandang Kawayan ng Polytechnic University of the Philippines – Mariveles (Bataan) na nakapagtanghal na sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig.
Isang dula-dulaan ang ginanap na nagpakita kung paanong ang nagdadalang-taong Birhen Maria at si Jose ay walang matuluyan at sa halip ay sa sabsaban tumuloy.
Nang buksan ang Christmas lights ay lumitaw ang balot sa liwanag na mga puno at ang harapang bahagi ng city hall habang sa kalangitan ay tila nakikipagpaligsahan sa liwanag ang buwan.
Isang malaking “belen” ang nakatayo sa gitna ng plaza kung saan naroon ang replica ni Maria, Jose at ang tinatawag na tatlong mago.
Mula sa liwanag ng mga Christmas lights ay nababanaagan ang magandang St. Joseph Cathedral.
Napuno ang plaza ng maraming tao na kabilang ang mga bata at matatanda na siyang-siya sa wari nila’y naiibang Christmas decoration at sa ilang saglit na fireworks display.