Hindi pala nagustuhan ng GMA 7 ang nagging hakbang ni Lovi Poe na tanggapin yung Lipgloss offer sa kanya. As of now, regular si Lovi bilang runaway princess sa programang Lipgloss ngTV5.
Tinanggap daw kasi ng manager ni Lovi itong project ng TV5 without consulting GMA 7. Kahit daw kasi hindi naman contract star ng GMA 7 si Lovi, at least pinangangalagaan naman siya ng network and as a matter of fact, sila talaga’ng kauna-unahang nagbigay ng break sa anak sa labas ng yumaong Fernando Poe, Jr. Kumbaga, parang lumalabas na kawalang-utang na loob ang ginawang hakbang ng management ni Lovi Poe.
“Ano naman kasi ang mahihita niya sa Lipgloss, e pipitsuging show lang ‘yun, walang rating at talagang di mapapansin doon si Lovi. O baka naman malaki’ng bayad kaya sinunggaban ng manager niya? Malaki nga naman ang komisyong makukuha niya. Pero kung nag-iisp lang yung manager ni Lovi Poe, di niya dapat ipinag-walang bahala na baka nga magalit ang GMA 7 sa desisyon nila.
“Kagaya ngayon, ayan, nagalit na yung ilang execs ng GMA 7, paano kung ibasura nila si Lovi Poe, kaya ba siyang buhayin ng Lipgloss,” mataray na litanya pa ng aming kausap.
True nga naman, next time siguro, dapat namang mag-isip-isip itong manager ni Lovi, timbangin niya’ng sitwasyon, para di naman mapahamak si Lovi Poe.
Pero teka hindi kaya sadyang sinisira na lang ng manager ni Lovi ang kanyang alaga? Ang balita kasing nakararating sa amin, pasaway si Lovi at di na nakikinig sa kanyang manager. Kaya ayun, pera na lang ang nag-uugnay sa kanila.
“Anything that Lovi decides, di na niya ito makontrol,” sabi pa ng isang nakausap naming.
Di na rin daw natutuwa ang nanay ni Lovi sa manager nito. Paano nga kasi, mukhang ang manager ang pinagbibintangan kung bakit nasusubo si Lovi sa larangan ng romansa. Rigtht under his very nose daw, nakagagawa ng milagro sina Lovi at ang bf nitong si Jolo Revilla at ito ay kinukunsinti niya. Kaya ang sabi, balak daw yatang alisin na si Lovi sa poder ng manager nito.
Pero may tanong po kami, sila pa rin ba ng manager nitong si Leo Dominguez? Kasi, parang sa personal na tingin namin, talagang professional na lang sila.
Paki-explain lang, Leo Dominguez!