Home Headlines Pasahero dagsaan sa jeep terminal: Protocol mahigpit na pinapatupad

Pasahero dagsaan sa jeep terminal: Protocol mahigpit na pinapatupad

2083
0
SHARE

Nakapila ang mga commuters habang naghihintay ng jeep na masasakyan patungo sa kanilang mga trabaho ngayon unang araw (June 1, 2020) sa implementasyon ng General Community Quarantine sa Zambales at Olongapo. Kuha ni Johnny R. Reblando


LUNGSOD NG OLONGAPO – Dagsaan ngayong unang araw ng Hunyo, at unang araw din ng general community quarantine, ang mga pasahero, manggagawa at iba sa terminal ng jeep patungong lungsod matapos na payagan nang makapamasada ang ilang pampasaherong jeepney dito.

Ang terminal ng jeep ay inilagay pansamantala sa may boundary ng Subic at Olongapo para magkapagsakay ng pasahero. Mahigpit naming ipinatutupad ang pagsusuot ng face mask at ang social distancing sa pilahan at loob ng pampasaherong jeeney.

Mahaba ang pila ng mga pasahero na naghihintay ng masasakyan sa jeep terminal. Kuha ni Johnny Reblando
Tinitingnan muna ang ID o passes at nililista ng barker ang mga pangalan at tirahan ng pasahero bago makasakay. Kuha ni Johnny Reblando

Bago makasakay sa jeep ang isang pasahero ay dadaan muna ito sa nakatalagang “barker” o parking attendant para kunin ang pangalan at address ng isang pasahero sa pamamagitan ng pagpapakita ng ID bilang pagkakakilanlan nito at saka pupunta sa driver para magbayad ng pamasahe bago sumakay ng jeep.

Ayon kay Mang Boy, jeepney driver, 10 pasahero ang kanyang isinasakay sa loob ng jeep at isa naman sa harapan at mahigipit nitong ipinatutupad ang social distancing at pagsusuot ng face mask at pagpahid ng alcohol sa kamay ng pasahero.

Ini-sprayan ng alcohol ang kamay ng pasahero bago sumakay. Kuha ni Johnny Reblando

Ayon naman kay Liza, isang pasahero, tiyaga at konting sakripisyo ang paghihintay ng masasakyang jeep kahit na mahaba ang pila kesa naman sa dati na halos walang masasakyan na jeep at naoobliga siyang maglakad.

Sa kabilang dako naghihintay naman ng kanilang service bus ang mga ilang kawani na pumapasok  sa Subic Bay Freeport Zone.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here