Home Opinion Parusang bitay ang tanging lunas

Parusang bitay ang tanging lunas

638
0
SHARE

KINAKAILANGAN na talagang buhayin
ang ‘death penalty’ na inalis ng dating
pangulong GMA nang siya ang palaring
pumalit kay Erap nang ito’y malasin.

At mapilitang bumaba sa Palasyo
umpisa pa lang ng pag-gulong ng kaso
ng ‘money laundering’ nang dahil siguro
sa takot na siya’y dumugin ng tao.

Kung saan nakulong at nakalabas din
naman si Estrada at itong isa rin
nang si Digong ang siya naman ang palarin
na maging pangulo nitong bansa natin.

Sa puntong naturan, kung pati pangulo
puedeng ikulong kung magkasala ito
ng ‘heinous crime’ ang siyang nagtulak siguro
kay GMA upang ang ‘death’ ay isako?

Pero, ngayong dahil sa naging talamak
na itong lantarang pagbaha r’yan ng ‘drugs,’
pagdami ng ‘rapist,’ opisyal na ‘corrupt,’
ang parusang bitay, ibalik na dapat.

Nang sa gayon itong walang kabusugang
mga mandarambong sa kaban ng bayan,
sila itong una natin nating maisalang
sa ‘lethal injection’ nang di pamarisan.

Kailan masawata ng ating gobyerno
ang paglobo ng kriminalidad dito
kung walang parusa na katulad nito
na pangingilagan ang masamang tao?

At maging ang mga makapangyarihang
opisyal ng bansa, na kagalang-galang
sa ating paningin pero sa likod niyan
ay salbahe pala’t salot sa lipunan.

At siyang kakutsaba r’yan ng mga ‘drug-lords,’
kundi man sila riyan ang direktang ‘big boss’
o kapitalista ng bawal na gamot,
kung kaya’t maluwag na naipapasok?

<lAt kaya anumang gawing paghihigpit
sa mga daungan upang itong lintik
na kontrabando ay hindi maipuslit,
sinong Santo ang sa Custom di pipikit?

Kapag nawili sa tamis ng ‘pastilyas,’
nasilaw ang mata sa kislap ng pilak;
Mahirati man yan sa gawang di patas,
anong ikatakot kung bulag ang batas?

Pero kung ang dating kinatatakutang
matulis na ngipin ng parusang bitay
ang ibalik, ating sinisiguro riyan,
na ang mandarambong tiyak maglulubay.

Tayo man bang ito na alam na nating
lmay ganyang parusa ay hindi titigil
sa pagkapit sa di mabuting gawain,
kung bitay ang tiyak na kakaharapin?

Sa madaling sabi, walang bukod-tanging
solusyon sa ‘heinous crime’ at matitinding
paglabag sa batas kundi ang ‘death sentence’
na napapanahon na para ‘buhayin’!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here