Home Headlines Parol na gawa sa capiz shell umarangkada na

Parol na gawa sa capiz shell umarangkada na

1189
0
SHARE
Ilan sa mga tumitingin sa mga parol

SAMAL, Bataan: On display na ang naggagandahang mga parol noong Huwebes na unang gabi ng Setyembre sa isang bahagi malapit sa isang barangay hall sa Samal, Bataan.

Iisa ang katangian ng mga kumukutitap na parol – ang pangunahing material ay first class capiz shell na sa buong Bataan ay tanging nakukuha at sagana sa karagatan ng Samal.

Sinabi nina Jason Evora at Roderick Valerio ng barangay Sta. Lucia, Samal na sa ngayon ay sa Caloocan City pa ito ginagawa na sila ang nagsu-supply ng capiz shell ngunit balak umano nila na sa susunod na mga taon ay sa kanilang barangay na ito gawin.

Jason Evora at Roderick Valerio

Ayon kay Evora, ang maliliit na parol ay nagra-range ng P1,500 – P2,000 samantalang ang malalaki na may sukat na 30 inches ay nagra-range ng P2,200 – P2,700.

Naka-display ang mga parol malapit sa barangay hall ng Sta. Lucia. Maglalagay din daw sa isang sityo ng nabanggit ding barangay. Marami nang nagtatanong kung magkano ang mga parol.

“Sobrang dami ng capiz shell sa Samal at ang malalaking negosyante ay sa bayang ito kumukuha,” sabi ni Evora.

Sa pagkakaalam umano ni Valerio, maraming pagawaan ng parol na gamit ang capiz shell ay Samal ang nagsu-supply dahil maganda ang quality at matibay ang mga nakukuha sa karagatan ng bayang ito.

“Magtatayo kami ng pagawaan ng parol na ang priority ay mabigyan ng trabaho ang mga person with disability na walang kakayahang makapagtrabaho sa pabrika. Bibigyan namin sila ng seminar at training para matutunan nila paggawa ng parol,” sabi ni Valerio.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here