Nitong 31st ng buwan ng Enero,
Na kung saan ako at iba pang miyembro
Ng AGTACA ay kasamang imbitado,
Sa isang ispesyal na okasyon mismo
Ng city government of San Fernando (P)
Kaugnay nang pagbibigay ng papuri
Kay Don Perico sa ‘Birth Anniversary’
Niyang ginanap sa Heroes Hall ng city.
At kung saan lahat ng may kaugnayan
Sa mga bayaning liping Kapampangan,
Dito ginaganap ang mga parangal
Kabilang pati ang kay Gat Jose Rizal;
Nicolasa Dayrit, Andres Bonifacio
Vivencio Cuyugan at Ninoy Aquino;
At ang magkapatid na Jose at Pedro
Basco Abad Santos ng lungsod na ito.
Na taon-taon ay dito ginaganap
Ang ‘commemoration’ ng pagka-panganak
At araw ng kamatayan nitong lahat
Ng mga nabanggit natin sa itaas.
Na magmula nang si Oca ang maupo
‘As city mayor’ ay kanya nang inako
Ang pagbigay ‘tribute’ ng bukal sa puso
Sa mga martyr na nagtigis ng dugo
Para sa paglayang pangarap ninumang
May pagmamahal sa tinubuhang bayan,
At sila na siyang mga nangatimbuwang
Sa gitna ng dilim, sa bundok at parang.
Gaya halimbawa nitong si Don Pedro,
Na bagama’t hindi natadtad ng punglo
Ang katawan sanhi ng paglaban nito
Sa pamalakad na hindi makatao
Ng mga maykaya at makapangyarihan
Nang panahon niya’y kanyang isinugal
At ipinagpalit ang marangyang buhay
(Na kutsarang pilak ang pangsubong tunay)
Sa di nakagisnang kamay ang pangsubo
Kasama ng iba na patago-tago
Sa mata ng batas para lang mahango
Sa inhustisya ang sa agraryo’y bigo;
Isinakripisyo ang kanyang sariling
Pagkatao para sa isang simulaing
Sosyalismo, at kung saan ang layunin
Ng isinusulong, pantay na pagtingin
Ng lipunan sa’ting mga magsasaka
At asyendero nang nabubuhay siya;
Na kung saan dahil sa simulain niya
Napagkamalan siyang isang komunista
At kung saan sanhi ng ipinaglaban
Ni Don Pedro para sa simulating yan,
Hanggang sa siya ay tuluyang pumanaw
Hindi isinuko ang paninindigan;
At namatay siyang ni hindi matukoy
Kung saan ang labi niya’y ibinurol
O nailibing nang mga panahong iyon,
Diyan sa Minalin, magpa-hangga ngayon.
Panahon lamang ang makapagsasabi
Kung mayrun pang tulad ng taong nasabi
Ang kusang ibuwis nito ang sarili
Para sa bayan at mas nakararami;
Pagkat kung sa ating mga pulitiko
Tayo aasa ng isa pang ‘Perico,’
Langit at lupa ang agwat n’yan sa siguro
Liban sa isang tapat na umi-idolo;
Na nagpasimula ng pagbigay ‘tribute’
Kina Rizal, Bonifacio, Abad Santos
Dayrit at Cuyugan; at iba pang bantog
Na kalipi nating ‘celebrated heroes’!