Paolo Contis, EB Babe Lian Paz nagli-live in na

    395
    0
    SHARE
    Heto na, panay ang paliwanag ni Paolo tungkol sa pagsasarili niya ng bahay. Kesyo di naman daw siya pinalayas ng kanyang mga magualang although, nakapagpadali sa pag-alis niya sa kanila yung di nila pagkakasundo ng nanay niya.

    Di ba, noon pa man,  marami na ang lumalabas na talaga namang kontra ang nanay niya kay EB Babe Lian Paz? Especially, naka-trigger pa sa galit ng nanay ni Paolo yung on national television ay nagpalitan ng magagandang salita para sa isa’t isa. Kung tutuusin, parang engagement ek na yung bigayan nila ng diamond ring.

    Anyway, si Lian is saying na nasasaktan din siya sa mga pangyayri pero aniya, di yun magiging dahilan para sila naman ni Paolo ang maging magulo.

    “Nang aminin kong kami na, yun na yun, nakahanda na ako para sa kanya. Na alam ko, magiging kami rin sa banding huli, kung kaya mas gusto ko ngayon na mangyayari yun.

    Malinaw sa mga tinuturan ni Lian na itinuturing na niyang asawa si Paolo at okey na lang sa kanya yung mag-live in silang dalawa. Na at this point ng kanilang relasyon, kasal na lang talaga’ng kulang at puwede nang sabihing sila ay mag-asawa na.

    Si Paolo naman, sinabi niyang hindi totoong naglili-live in na sila. Pero aniya, madalas si Lian na pumupunta sa kanyang bahay para ipagluto at ipaglinis siya.

    That can simply mean na isang hakbang na lang, yun na talaga yun. Ibig naming sabihin, mag-asawa na nga silang dalawa.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here