Panukalang bill ni Suarez anti subscribers?

    426
    0
    SHARE
    Sa akala ba ng butihing Congressman
    Ay napakadaling matukoy kung ilang
    “Text messages” saka “voice calls” sa isang araw
    Ang imo-“monitor” ng pamahalaan?

    O nitong NTC upang ma-“determine”
    Kung ilan ang “voice calls” o “text” na dumating
    Para sa isang “cellphone user” na maaring
    Di lang sampung beses ito’y may “incoming”

    Na tawag o nag-text, kaya’t imposibleng
    Sa paraang bago pa man yan tanggapin
    Ng mga “recipients” dadaan pa mandin
    Sa kung anong proseso para bilangin?

    Ng aktual o mayrung “human intervention”
    Kahit na “wire tapping” pang matatawag yon?
    At tunay naman pong hindi naa-ayon
    Sa Saligang Batas ang estilong iyon?

    At pakikialam na sa “privacy” nitong
    Lahat na ng “users” d’yan ng cellular phone,
    Na ang panukala ng galanteng Solon
    Ay kinakailangan nga pong ma-monitor!

    Ng NTC yata, na aywan lang natin
    Kung ang proposal niya ay bibigyang pansin,
    Sa “House of Representative”nitong ating
    Ibang mambabatas pa r’yang magagaling.

    Na posibleng pagtawanan lang ng iba
    Ang panukalang bill na inihain niya,
    Sa puntong animo ay lihis kumbaga
    Sa “norms of ethics” ang ganitong sistema.

    Bukod sa posibleng ya’y masalimuot
    Ay dagdag trabaho sa government network,
    Na magmo-“monitor” sa bawat pumasok
    Na “text messages” at iba’t-ibang “voice calls”.

    At ito’y talagang ipinagbabawal
    Pagkat tunay naman ding wala sa lugar,
    Na ang “privacy” ng kinauukulan
    Ay masalaula sa nang di inaasahan?.

    Ikaw ba namang yan kaya ay papayag
    Na ang pribado mong pakikipag-usap
    O “text messages” sa iba ay masagap
    Ng ibang tao riyan sa lahat ng oras?

    Wala na bang ibang paraang maisip
    Itong magagaling na Representatives
    Upang ang lahat na ng “cellphone companies”
    Ay mapilit magbayad ng tamang buwis?

    At di sa kung anong klase ng diskarte
    Ni Congressman Suarez, na kung saan pati
    Ang pribado nating pakikipag-syeti
    Sa ka-“text mate” nagiging “public property”!

    Eh bakit nga hindi? Sa paraang gusto
    Ng galanteng Congressman na si Danilo?
    Na aywan kung ito’y matamang pinlano
    O basta na lamang isinulong nito?

    Nang di na nagtanong si Sir sa iba pa
    Kung ang paraang naisip o sistema
    Ay di pang-“row 4” ang dating n’yan sa Masa
    Kasi nga po yan ay – kakatwa kumbaga!


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here