Pangulong Estrada, may anghang pa?

    336
    0
    SHARE
    Sa naging resulta nitong nakaraang
    Halalan, kung saan sa siyam na naglaban
    Sa pagka-Pangulo, sumigunda bilang 
    Ang pinaka-sikat na anak ng San Juan

    Ay pagpapatunay na may karisma pa
    Sa higit sa walong milyon si Estrada;
    At kung sina Villar at Gordon lang pala
    Ang nakatunggali’y pihong panalo siya.

    Partikular na kay Gibo Teodoro,
    Na pambato ng Administrasyon mismo;
    Pagkat hindi man lang nag-“rank” ng pangtatlo
    Ang dating Kalihim sa nakuhang boto.

    Kaya’t kung di pala kabilang si Noynoy
    Sa siyam na naturang mga nagsi-habol,
    Ay “ex-convict” tiyak itong mauupong
    Pangulo sa loob ng anim na taon?

    At “jurisprudence” na kung saka-sakali
    Sa ‘ting court of justice pag nahalal muli
    Ang kagaya niya ng walang pasubali,
    Na puede tularan ng sino mang imbi?

    Aywan nga lang natin kung bakit si Erap
    Ay pinayagan pang humabol at sukat
    Ng Comelec gayong sa Saligang Batas,
    Yan ay malinaw na tuwirang paglabag?

    Kung saan ayon mismo sa Konstitusyon,
    Sa Article 7, sa parteng Section 4:
    Ang naging Pangulo’y walang “re-election”
    Or there should be no second election at all”

    Kaya nang payagan si Mr. Estrada
    Ng Comelec upang kumandidato siya,
    Kabilang na tayo sa unang pumuna
    At talaga namang kumontra kumbaga.

    Pagkat tunay namang hindi naa-ayon
    Sa normal na takbo ng buhay ang gayon,
    Na ang nakulong sa salang pandarambong
    Ay pinapayagan pa ng nating humabol.

    At para bang wala ng ibang pupuede
    Upang maihalal bilang Presidente,
    Kung pati “ex-convict” isasama pati
    Sa pagpipilian, sa puntong nasabi.

    Kasi ang dami pang mapagpipilian
    Liban kina Gibo, Villar at Madrigal;
    Na pare-parehong mahusay din naman
    At walang batik ang taglay na pangalan.

    Pero hayan, at ang muntik ng manalo
    Ay ang isang gaya ni Estrada mismo,
    Na inaakalang makapagbabago
    Ng marami sa mga panahong ito;

    Kung saan ang corruption ay mas malala
    Sa kamay ng isang babae ika nga
    Kaysa noong si Sir ang lider ng bansa,
    At wala rin yatang mabuting nagawa

    Pero malamang na nanalo at sukat
    Kung walang Noynoy na nanguna at lahat;
    Bunsod marahil ng kawalan ng ingat 
    Ng Comelec sa ating Saligang Batas!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here