Home Opinion Pangulong Digong, madalaswalang tiyak na direksyon

Pangulong Digong, madalas
walang tiyak na direksyon

1121
0
SHARE

KUNG ano ang nasa likuran ng lahat
ng maanomalya at labag sa batas
na transaksyong milyong piso ang kaagad
kinita ng Tsino posibleng kasabuwat

Nina Kiko’t Eric ng ating DOH
at FDA, gayon din naman ang PhilHealth;
nakapagtatakang lahat na ay Chinese
ang nagmanipula sa sabi’y ‘overpriced’

Na mga ‘face shield’ at ‘face mask’ na binili
sa labas ng bansa, at itong si Duque
ang kwenta promoter at siya rin bale
ang ‘buyer’ kumbaga, sa madaling sabi.

Kung saan posibleng kumita sila riyan
sa ubod ng laki na ipinatong niyan
sa presyo ng ‘face shield, face mask’ at iba pang
gamit na kalakip ng naturang bagay.

Diyan ngayon nagkarun ng malaking duda
na itong nakipag-sabuwatan nga kina
Michael Yang, Christopher Lao at iba,
tumabo ng milyons sa ‘overpriced’ nila.

Eh,  bakit nga hindi, tulad d’yan ng ‘face mask’
na mabibili lang diyan nang mula apat
hanggang limang piso, pumalo kaagad
sa mahigit Php 20.00 itong ‘overpriced?’

Nakapagtatakang ang ating Pangulo
ay tila kampante lang at itong isyu
ng ‘overpricing’ ay ayaw yata nito
na busihin pa, kung ito’y totoo.

Ke’ totoo at o agam-agam lamang
ng sinumang ‘concern’ sa bagaay na ‘yan,
marapat lang na ang kinauukulang
ahensya na dapat kumilos atasan

Na mag-imbestiga at alamin nito
kung tunay ngang sina Duque at Domingo
nakipagsabuwatan diyan sa mga Tsino
na sina Michael Yang nga at Christopher Lao.

Kung ito’y mabigyan ng matamang ng pansin
ng ating Pangulo at kanyang suriing
mabuti ang isyu riyan ng ‘overpricing,’
sa katotohanan siya magigising.

Na ang nasa likod ng tabing kumbaga
sa isang Komedya o kaya Zarzuela,
sina Duque’t Eric itong kwenta bida;
sina Yang at Lao ang bale kontrabida.

Aywan lang kung sinong sumulat ng ‘Script’
at ang Apuntador nitong mga Intsik,
na tumabo nga ng di lamang milyones
kundi na posibleng bilyon ang nadagit.

Sa madaling sabi, tanging ang Pangulo
ang siyang higit maka-pangyarihang tao
na dapat kumilos at atasan nito
ang Sandigang Bayan at Ombudsman mismo.

Nang sa gayon magkaroon ng direksyon
ang pamumuno r’yan ni Pangulong Digong,
na di tulad nitong sinabi kahapon,
bukas – malamang ay iba na ang bersyon!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here