Pangulo ng TODA patay sa riding-in-tandem

    522
    0
    SHARE

    ABUCAY, Bataan- Binaril at napatay ng isa sa dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang pangulo ng isang tricycle association habang nag-oorder ng pagkain sa tindahang katabi ng paradahan ng mga tricycle sa gilid ng Roman Superhighway sa bayang ito Linggo ng umaga.

    Namatay noon din si Tommy Angeles, 41, pangulo ng Ibayo Tricycle Drivers and Operators Association matapos masapol sa ulo ng dalawang bala mula sa kalibre 45 baril. Batay sa pang-unang imbestigasyon ng Abucay police, alas-9:30 ng umaga nang bumaba sa isang motorsiklo ang isang taong may suot na helmet at malapitan nitong pinaputukan ng dalawang beses ang biktima na nasa harap ng tindahan.

    Matapos magpaputok, sumakay muli ang salarin sa naghihintay na motorsiklo na ang driver ay may helmet din at dali- daling umalis. Tumangging magsalita ang may-ari ng tindahan bukod sa pagsasabing inihahanda na nila ang pagkain ng biktima nang biglang makarinig sila ng dalawang putok.

    Tumama sa dingding na kahoy ng tindahan at tumama sa unan ng sanggol na natutulog ang isang balang diumano’y lumusot sa ulo ng biktima. Ayaw humarap sa camera ang mga tricycle drivers na nagsabing mabait at madaling lapitan ang kanilang pangulo.

    Tumangging magsalita ang mga namimighating kaanak ng biktima. Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here