ANO BA talaga itong isyu hinggil
sa ‘avian fl u virus’ na napakatinding
pinsala itong idinulot sa ating
mga ‘poultry raisers’ at saka ‘duck raising’.
Kung saan ang manok, itik at itlog din
na kontaminado riyan ng nasabing
sakit na posibleng dala rito sa’tin
ng ‘migratory birds’ ay dapat patayin
At ibaon upang ang taglay na ‘virus’
ay di makahawa sa tao at hayop,
pero inihayag naman pagkatapos
ng DA na ligtas kumain ng manok
Yan sa ganang akin ay nakalilito
sa nakararami ang pahayag mismo
ni DA Sec Piñol sa naturang punto
kung pakasuriin natin yan ng husto.
Dala ng animo ay magkasalungat
ang una at huli na naging pahayag
ng DA Sec tungkol nakasisindak
na ‘avian fl u virus,’ na banta sa lahat
Kung ang paglaganap ay di mapigilan
sa pamamagitan daw ng maramihang
pagpatay sa manok, itik at iba pang
kauri’t pagbaon sa mga itlog n’yan
Subalit tulad ng napanood natin
sa TV, kung saan pinakita sa ‘tin
ang aktual na ubod gana ng pagkain
niya ng lugaw na manok at balot din
Kasama si Vice Gov Dennis at si Mayor
Asiong Macapagal nitong ‘San Luis town’
para patunayan n’yan sa madlang ‘people’
na ligtas kumain ng balot at lugaw?
D’yan magdadalawang isip tayo ngayon
kung alin ang tama sa dalawang bersyon,
ang una na medyo delikado ngayon
o itong huli na kanya ring tinukoy?
Kaya lang sa puntong itinuloy pa rin
niya ang pagpatay sa napakaraming
manok at pagbaon pati sa itlog din
ng mga may ‘poultry’ at saka ‘duck raising’
Lugi ang industrya riyan ng manukan
at kahalintulad na pagkakitaan
ng ibang kabalen na umaasa lang
sa ganitong klase riyan ng hanapbuhay
Na sa isang iglap animo’y winalis
ang pagkakitaan ng mga may itik
at ‘poultry raisers’ na biglang tumagilid
ang negosyo n’yan sa ‘virus’ na nabanggit
Tama’t nagbigay r’yan ng kaunting ayuda
ang ating gobyerno para sa kanila
pero talo pa rin sa kaunting halaga
na parang pambayad sa alaga nila.
Kaya nga’t ang naging katanungan ngayon
ng ‘aff ected parties’ kay Sec Manny Piñol,
bakit ang pagpatay kanyang itinuloy
kung puede rin naman palang kainin ‘yon?
Gaya nga riyan nitong pinakita nila
Sa ‘TV coverage’ kung saan nanguna
Si Sec Piñol, Vice Gov Dennis G. Pineda
At’ San Luis town Mayor,’ nang kumain sila
Ng manok at balot, na anila ay ‘safe’
sa ‘virus’ na dulot ng ‘migratory birds,’
pero tama nga kaya ang utos ni Sec,
na ayon sa iba ay posibleng ‘derailed’?!