LUNGSOD NG MALOLOS – Hindi natupad sa unang taon ng panunungkulan ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang pangako sa mga mamamahayag, ayon sa Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR), ang nangungunang media watchdog sa bansa.
Ito ay matapos suportahan ng mga personalidad sa pamamahayag at ng isang biyuda ng biktima sa Maguindanao massacre ang kandidatura ni Aquino sa halalan noong nakaraang taon.
Batay sa pahayag na ipinalabas ng CMFR noong Lunes, Setyembre 5, sinabi nila na bahagi ng plataporma de gobyerno ni Aquino sa kanyang kandidatura noong nakaraang taon ang pangako para sa malayang pamamahayag at paghahayag.
Nangako din noong nakaraang taon ang Pangulo na susuportahan at bibigyang proteksyon niya ang malayang pamamahayag; at pipigilan ang pamamasalang sa mga mamamahayag bukod sa pag-usig sa mga sangkot sa pamamaslang.
Dahil sa mga pangakong ito, isa sa mga biyuda ng mga biktima sa Maguindanao massacre ang nangusap pa sa mga campaign advertisement ni Aquino sa kampanya noong 2010.
Ngunit isang taon matapos magwagi sa halalan, sinabi ng CMFR na wala pang natutupad sa mga pangako ni Aquino at ilang mamamahayag ang nawawalan na ng pag-asa.
Ito ay dahil na rin sa patuloy pa rin ang pamamaslang sa mga mamamahayag sa bansa, samantalang nananatiling mabagal ang pag-uusig sa mga sangkot sa pamamaslang.
Batay sa tala ng CMFR, apat pang mamamahayag ang pinaslang sa unang taon ng panunungkulan ni Pangulong Aquino.
“The most recent killing is that of dwEB radio anchor Romeo Olea in Camarines Sur last June 13, a few days before he celebrated his first year in power. Olea is the second dwEB staff killed during the Aquino administration,” ani ng CMFR.
“The first was dwEB “volunteer reporter” Miguel Belen. Belen was on his way home July 9, 2010 when a gunman shot him in Nabua, Camarines Sur.
Belen’s case is the only work-related killing of a journalist during Aquino’s administration that has been filed in court.
However, the trial proper has yet to start as the court is still hearing the petition for bail filed by the alleged gunman,” dagdag pa ng CMFR.
Ang iba pang mamamahayag na pinaslang sa unang taon ng panunungkulan ni Aquino ay ang Palawan broadcaster at veterinarian na si Gerardo Ortega, at si Marlina Flores-Sumera, isang brodkaster na nakabase sa Maynila.
Ayon sa CMFR, ibinasura na ng mga taga-usig ang kasong murder laban sa mga itinuturong utak sa pamamaslang kay Ortega na binaril at napatay noong Enero 24.
“In a 21-page resolution dated June 14, the Department of Justice (DOJ) prosecution panel handling the Ortega case found insufficient evidence against former Palawan Gov. Joel Reyes, former Marinduque Gov. Bong Carreon, Coron, Palawan Mayor Mario Reyes Jr., lawyer Romeo Seratubias, Arturo Regalado, and Percival Lecias.
The panel, however, found probable cause to file murder charges against Reyes’s alleged security aide Rodolfo Edrad Jr., Armando Noel, Dennis Aranas, and Arwin Arandilla.
The Ortega family filed a motion for partial reconsideration last July 1. The said DOJ panel has yet to come out with its decision,” ani ng CMFR.
Idinagdag pa ng media watch dog na ilang buwan matapos magsimula ang administrasyon ni Aquino, ang mga kasapi ng communication group at kalihim ng Department of Justice ay nakipagpulong sa mga grupo ng mga mamamahayag kung saan ay tinalakay ang mga paraan sa pagsasagawa ng anti-impunity campaign.
Kabilang sa nasabing pulong na isinagawa sa Malakanyang noong Agosto 2010 ay ang mga grupong Freedom Fund for Filipino Journalists (FFFJ) at ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP).
Sa nasabing pulong, ipinanukala ng FFFJ at NUJP ang ilang hakbang upang tuluyang matuldukan ang pamamaslang sa mga mamamahayag sa bansa.
Ayon sa CMFR, kabilang sa mga panukala ng mga mamamahayag ay ang “strengthening the Witness Protection Program (WPP), rehabilitating the criminal investigation arms of law enforcement agencies, organizing multisectoral Quick Response Teams, and reviewing existing Rules of Court that have been used and abused to delay the prosecution of cases and court proceedings in general.”
Una rito, isang bukas na liham ang ipinalabas ng mga samahan ng mga mamamahayag sa bansa kasama ang mga mag-aaral at guro ng University of the Philippines’ College of Mass Communication kung saan ay ipinaalala nila kay Aquino na, “you were elected because the people were hungry for change, and you thwart that belief in the possibility of change at risk of the people’s loss of faith in the capacity of the system to deliver justice.”
Nagbabala din sila sa Pangulo na, “the failure to prosecute the killers of journalists as well as those of political activists… is sending the dangerous signal that, as in the administration of Gloria Macapagal-Arroyo, the killings can continue during your watch without the perpetrators being punished.
That failure will confirm that impunity will continue to reign and those with the means will not stop the use of violence against those they wish to silence.”