Home Opinion Panawagan sa DAR, magwalis ng bakuran

Panawagan sa DAR, magwalis ng bakuran

812
0
SHARE

Sa simpleng salita, napagkikilala
kung ano ang pagkatao riyan talaga
ng Adjudicator dito sa Pampanga
nitong DAR dahil sa naging kaso niya.

Pero ang isyu ay walang kaugnayan
sa kung anong hawak niyang puesto sa DAR.
kundi ang ginawa mismo sa kliyente nyan
na kaliwa’t kanan nitong panlilinlang.

At ang kliyente na rin sa madaling sabi
ang sa kapisanan ng mga Attorney
idinulog ang kanyang reklamo pati
laban sa isang animo ay binabae!

Na dili’t iba ay si ARIEL MAGLALANG
na naging tinik din sa’king lalamunan
ang klase ng pagka-tao at asal niyan,
na hindi marapat maging lingkod-bayan.

Ang inilalagay o ipinupuesto
sa alin mang sangay ng ating gobyerno
ay mga maka-Diyos, saka maka-tao;
at matapat pati sa tungkulin nito.

Di ko sinasabing ang taong nasabi
ay salbahe pero ang prinsipyo nito
nasa talampakan, wala sa sentido
komon n’yan, bagkus ay sa bulsa siguro.

Halata rito sa iginigiit n’yang
‘verdict’ na ako ang talo samantalang
‘erroneous’ at labag batas nitong DAR
ang ginawa pabor sa aking kalaban.

O nang mga dating ‘allocatee’ nitong
‘subject landed estate’ na isangla itong
naturang ‘landholding’ pero ako ngayon
na ‘buyer-in-faith’ ang parang nabudol.

Sa pamamaraang di kanais-nais
na ibinasura at/o ibinasket
nang kusa lalo riyan ng kasanggang dikit
ng Adjudicator na salat sa matuwid.

Hindi sa siya ay sinisiraan ko
na isa pa mandin isang abogado,
kundi sinasabi ko lang ang totoo
hinggil sa kung ano ang kanyang opisyo.

Kasi nga, kung ito ay kanyang nagawa
kay EVELYN GOOPIO, na kliyente nito nga,
sa akin na di niya kasangga – magawa
ang ipahamak sa tuwirang salita?

Kaya malaki ang aking pasalamat
kay Evely Goopio at kay Lord, nabunyag
ang pagiging “Doble Cara” nitong tanyag
pa manding Attorney pero balasubas.

At sana kumbaga sa isang pamamahay
ay magwalis tayo pati ng bakuran;
at ang sa hinala – poste na in-‘Anay’
palitan upang ang lahat ay tumibay.

At di maka-hawa sa posting matino,
na hayan ang isa napalitan na po
ng matibay tiyak, mahirap igupo
nang anumang bagay na ika-guguho!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here