Home Opinion Panawagan kay Pangulo: Sipain na sina Duque at Domingo

Panawagan kay Pangulo:
Sipain na sina Duque at Domingo

842
0
SHARE

MAHIGIT isang taon na ang nakaraan
mula nang sa Covid-19 mahawaan
ang ‘mil de mil’ nating mga kababayan,
na kung saan ‘thousands’ na rin ang namatay.

Pero hanggang ngayon ang D.O.H. natin,
(na ang timon nito ay parehong ‘kingpin
at ang ‘expertise’ n’yan lubhang kakaiba rin,
anong sa kanila maasahan natin?

Wala kundi lalong sa bawat lumipas
na mga sandali, minuto at oras
patuloy ang bilang nitong nalalagas
na buhay ng taong dapat mailigtas.

At kung saan dahil sa tila kawalan
ng kakayahan at/o kapabayaan
nina Isko’t Eric, daming di nabigyan
ng solusyon, kaya dapat nang mag-‘resign’!

Bago pa sipain ni pangulong Digong,
na sa ganang atin ang siyang tamang aksyon
laban sa kanila – na di makatugon
sa wastong paraan’ at akmang ‘protocol’.

Ano’t igigiit nila itong ‘vaccines
na kagaya r’yan ng imbes daw gumaling
ang nagpabakuna – nangisay noon din,
matapos turukan ng pang-Covid-19?

Alin pa man d’yan sa klase ng bakuna
na pawang galing sa iba’t-ibang bansa,
wala pa ring katiyakan na mabisa,
sa kadahilanang kailan lang ginawa.

Liban sa alin man ay di maituturing
na epektibo at maasahan nating,
ligtas sa ganitong klase r’yan ng vaccines
kaya nga’t marami ang ayaw marahil.

Tayo man bang ito ay payag turukan
ng ganyang bakuna, na napabalitang
imbes gumaling ay dagliang namatay,
at itong D.O.H. ay kampante lamang?

Di kaya nang dahil sa itong si Duque
at si Domingo ay magkatambal bale
sa ‘buy & sell’ kaya hangga’t maaari
pati sa bakuna kumita ang buwi***?

Kung noon pa man ay itong ‘IVERMECTINE
subok na’t ito ay nakapagpagaling
sa gumamit na n’yan, bakit di subukin
ang taglay na bisa kontra Covid-19?

Kung ang katwiran ng dalawang kalog
na diumano ay para lang sa hayop
ang nasabing napaka-mabisang gamot,
anong sa tao n’yan masamang idulot?

Di ba ang anumang klase ng ‘medicine
ay sa hayop muna yata tine’testing,’
gaya sa Kuneho, Daga o sa Matsing,
bago ‘yan sa ‘human’ marapat gamitin?

Alibi’ na lang din ni Eric at Isko,
na ang lisensya ng gumagawa nito
paso na, kaya di puedeng maindorso,
ya’y napakasimpleng dahilan, Amigo.

Eh di madaliin ang pagpapalbas
nitong kaukulang dokumento’t lahat
ng kailangan upang mai-release’ agad
ang lisensya nito, ‘within just few hours’!?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here